PBBM, walang papel sa Maharlika fund bill revision
- Published on January 24, 2023
- by @peoplesbalita
WALANG papel si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa revision o ginawang pagbabago sa House of Representatives-approved Maharlika Investment Fund (MIF) bill.
Isang bagong Maharlika Investment Fund kasi ang iprinisenta ni Pangulong Marcos sa potential investors sa ginanap na World Economic Forum sa Davos, Switzerland.
Ito ang ibinahagi ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa isang panayam.
Ayon kay Salceda, siya at tatlong iba pang mambabatas ay naatasan na i-rewrite ang MIF proposal.
Isa aniya sa pagbabago mula sa House Bill 6608 na ipinasa ng Kamara ay hindi na gagamiting kapital ang dibidendo mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas at “real surpluses” na aniya ang gagamitin tulad ng sa isang tradisyunal na sovereign wealth fund.
Masaya naman si Salceda na sa kabila ng pagtutol ng mga kritiko sa ginawang “soft launch” ng Pang. Marcos Jr. ng MIF sa WEF ay positibo ang naging pagtanggap ng mga investors sa bagong MIF.
Si Pangulong Marcos ay nasa Davos, Switzerland, noong nakaraang linggo Kung saan dumalo sa World Economic Forum (WEF).
At nang tanungin ng media kung ang revised MIF bill ay aprubado na niya, ang naging tugon ng Pangulo ay “I’m not sure. What did I approve?”
Winika pa ng Pangulo na ang panukalang batas ay “in the process of legislation.”
“Wala akong role muna,” ayon kay Pangulong Marcos.
Samantala, tinuran ng Pangulo na nakatanggap siya ng suhestiyon mula sa business leader na mangalap ng pera para sa Maharlika fund sa pamamagitan ng initial public offering (IPO).
Sinabi naman ng Pangulo na titingnan niya kung nararapat ito para sa bansa.
Ang panukalang batas para sa Maharlika Investment Fund ay inaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong Disyembre15. Ipinadala ito sa Senado noong Disyembre 19.
Sa ilalim ng panukalang batas, ” the fund shall be used to invest on a strategic and commercial basis in a manner designed to promote fiscal stability for economic development and strengthen the top-performing government financial institutions through additional investment platforms that will help attain the national government’s priority plans.”
Sinabi pa ng Pangulo na ang panukalang sovereign fund ay inaasahan na susuporta sa infrastructure projects sa enerhiya, agrikultura at digitalisasyon. (Daris Jose)
-
Ads March 24, 2022
-
Organized crime group, tumira kay Degamo – PNP
ISANG organized crime group ang nasa likod umano ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief Col. Redrico Maranan, ang matataas na kalibre ng mga baril na gamit ng mga suspek, mga sasakyan at suot na uniporme ng law enforcement agencies ay indikasyon […]
-
500 persons/ staff ng NBA na inilagay sa isolation
NAPAKALAKING sakit din daw sa ulo ng NBA organization ngayon ang nasa mahigit 500 mga staff na isinailalim sa quarantine bunsod ng COVID pandemic. Ang naturang bilang ay mula sa mahigit 2,500 na mga staff. Kasama sa mga staff na inilagay sa safety at health protocols ay mga equipment managers, video […]