• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, winelcome ang 2 bagong ATAK helicopters; nangako na mabilis na iaarangkada ang PAF modernization

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Air Force (PAF) sa hangarin nitong  matupad ang vision nito na maging  world-class.

 

 

Pinangunahan ng Chief Executive ang ceremonial blessing ng dalawang bagong T129 ATAK helicopters sa Malakanyang.

 

 

Umaasa naman ang Pangulo na ang modernization goal ay magiging daan para mapalakas ang defense capabilities ng tuloy-tuloy, magampanan ang tungkulin nito ng epektibo at protektahan ang bansa na may puwersa at taas-noo.

 

 

Sa pagbati sa PAF para sa pagbili  ng bagong air assets, inaasahan ni Pangulong  Marcos na ang kamakailan lamang na nakuhang  state-of-the-art helicopters ay magiging daan para ma-improve ang “operational readiness at  responsiveness” ng Air Force at bigyang kapangyarihan ito para matupad ang mandato sa bansa at sa mamamayan.

 

 

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang naging ambag ng gobyerno ng Turkiye at Turkish Aerospace Industries dahil sa pagiging “reliable partners” ng Philippine government na gawing makabago ang air force ng bansa.

 

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan din naman ng Punong Ehekutibo ang  PAF at  Armed Forces of the Philippines para sa kanilang “invaluable contribution , external defense, internal security operations, at maging  disaster relief at  response operations” sa bansa.

 

 

Buwan ng Marso nang matanggap  ng Philippine Air Force ang dalawang units ng T-129 ATAK helicopters mula sa Turkey.

 

 

Ayon sa Turkish Aerospace Industries, ang T-129 ay isang twin-engine, tandem seat, multi-role, all-weather attack helicopter na ibinase sa Agusta A129 Mangusta platform at idinisenyo para sa advanced attack at reconnaissance mission sa ‘hot and high environments’ at ‘rough geography’ na maaring gamitin mapa-araw man o gabi.

 

 

Bahagi ito ng 6 na ATAK helicopters na binili ng Pilipino sa Turkey sa halagang P12.9-billion.

 

 

Ayon kay PAF spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano posibleng magamit ang naturang mga helicopter sa susunod na isa hangang dalawang buwan.

 

 

Ang 15th Strike Wing ng Philippine Air Force ang magpapatakbo ng T-129 helicopters at gagamitin para sa Close Air Support sa mga ground troops at armadong surveillance at reconnaissance. (Daris Jose)

Other News
  • Kahilingan ng Akbayan di pinagbigyan ng DOTr

    HINDI pinagbigyan ng Department of Transportation (DOTr) ang kahilingan ng Akbayan Party-list sa kanilang appeal na palawigin ang oras ng operasyon ng tatlong (3) railways systems sa Metro Manila.   Ayon sa DOTr na kahit na ang kahilingan ay makakapagbibigay ng mas convenient na pagsakay ng mga pasahero sa gabi, ito naman ay nangangahulugan ng […]

  • 2 years after: Ekonomiya ng PH, masigla na uli – DTI Sec. Lopez

    BUMALIK  na uli ang sigla ng ekonomiya ng Pilipinas makalipas ang dalawang taon na nasa ilalim ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) pandemic ang bansa.     Ayon kay Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez, dahil sa pagluwag sa alert level status sa mga nakalipas na buwan ay nakakabalik na sa “pre-pandemic volume” ang […]

  • SHARON, pabirong sinabi kay Sen. KIKO na napaka-swerte at parang tumama sa Mega Lotto

    MAGAGANAP na ang first collaboration nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan ngayong gabi.     Post ni Kiko sa kanyang Instagram, “ITO NA ANG COLLAB NA PINAKA-AABANGAN N’YO!     “Magsasama ang inyong Daddy Neighbor Kiko at aking aking sweetheart @reallysharoncuneta sa isang buong episode ng #Recipick, kaya sure kaming ito ang vlog na hindi […]