PCG, naka-heightened alert na para sa Undas 2024
- Published on October 22, 2024
- by @peoplesbalita
NAKA- heightened alert na ang Philippine Coast Guard para sa Undas ngayong taon.
Kaugnay nito, inatasan na ni Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang lahat ng Coast Guard operating units para itaas ang alerto para sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero na magsisiuwian sa mga probinsiya para dalawin ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay at sasamantalahing magbakasyon sa araw ng mga kaluluwa sa Nobiyembre 1 at araw ng mga patay sa Nobiyembre 2.
Inatasan din ang PCG Districts, Stations at Sub-Stations na paigtingin pa ang seguridad, kaligtasan, pagiging maasahan ng mga ito at matiwasay na biyahe ng mga pasahero sa Undas.
Mayroon ding ilalagay na DOTr Malasakit Help Desks sa lahat ng mga pantalan, daungan at iba pang pampublikong transportasyon sa buong bansa para tulungan ang mga biyahero. Handa ding mag-augment ang medical teams sa Malasakit Help Desk para sa pagbibigay ng medical assistance sa mga pasahero.
-
China nag-OK sa emergency use ng Sinovac para sa mga edad 3-anyos hanggang 17-anyos
Inaprubahan na ng China ang emergency use sa Sinovac Biotech’s COVID-19 vaccine para sa mga nag-edad 3-anyos hanggang 17-anyos. As of June 3, nasa 723.5 million doses na ng vaccine ang naiturok sa mass vaccination drive sa China. Nilinaw naman ni chairman Yin Weidong, na kapag ang bakunang Sinovac ay inaalok […]
-
Ads September 18, 2023
-
DANIEL, muntik nang masilipan at buti na lang maagang napansin ni ZANJOE
KINAAALIWAN nang maraming netizen ang isang Twitter video kunsaan muntik nang masilip si Daniel Padilla. Sa Twitter account na @daks_padilla, makikita sa uploaded video ang aktor na si Daniel Padilla na naka-shorts at tahimik na nakaupo at medyo nakabukaka ang mga binti nito. Biglang tinapik siya ng aktor na si Zanjoe […]