PCO flagship paper Philippine Gazette nakikita ang mas malawak na maaabot sa pamamagitan ng bagong printing machine
- Published on April 18, 2024
- by @peoplesbalita
KAPUWA INAASAHAN ng Presidential Communications Office (PCO) at Bureau of Communications Services (BCS) na mapalalakas pa nito ang kanilang communications services sa tulong ng ide-deliver na isang unit ng brand-new two color Sakurai Oliver 226SI/SIP para sa printing capability ng bureau.
“This brand-new offset will be of great help in expanding the reach of The Philippine Gazette, the flagship tabloid newspaper of the Presidential Communications Office and the Bureau of Communications Services,” ayon sa BCS.
“The Bureau is excited to inform, empower, and engage more Filipinos of the President’s activities towards a more transparent and dynamic public governance,” dagdag na wika nito.
Ang brand-new two color Sakurai Oliver 226SI/SIP printer, idineliber (deliver) ng Ferros Systemas Corp. noong Abril 10, ay isang ergonomically-designed press na may solid frame at bed structure na maaaring makapagbigay ng “straight at perfecting modes” ng printing na maaaring makapag-deliver ng hanggang 12,000 impressions kada oras.
Ito ang unang pagkakataon na kumuha ang BCS ng brand new na printing machine.
“It is also fully automatic, making it a very user-friendly machine for the pressmen,” ayon sa bureau.
Ang BCS ay nagbibigay at nagde-develop ng communication services na may kaugnayan sa policy formulation, communication planning, project development, research and evaluation, at koordinasyon ng information planning na nakapaloob sa framework ng overall thrust at prayoridad ng national development plan. (Daris Jose)
Other News
-
‘Tips’ vs cybercrime, ibinahagi ng PNP
Dahil sa dumaraming kaso ng cybercrime kaya muling nagpaalala at nagbigay ng tips ang Philippine National Police (PNP) upang maiwasang mabiktima ng mga ito. “Avoid unsecured Wi-Fi hotspots; set your device so that it doesn’t automatically connect to external sources”. Isa ito sa ibinahaging paalala at tips ng Philippine National Police […]
-
Ads June 10, 2023
-
Boxing legend Oscar De la Hoya nakalabas na sa pagamutan matapos dapuan ng COVID-19
Nakalabas na sa pagamutan si boxing legend Oscar De la Hoya matapos na magpositibo ito sa COVID-19. Sa kaniyang social media account, nag-post ito ng video sa kaniyang pinagdaanan. Sinabi nito na tatlong araw siyang nanatili sa pagamutan matapos na tamaan siya ng nasabing virus. Nasa magandang kalusugan na […]