PCO, hinikayat ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente
- Published on March 21, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ng Presidential Communications Office (PCO) na dapat na pag-ibayuhin ang maayos at matipid na paggamit ng kuryente sa harap ng napipintong pagsapit ng panahon ng tag-init.
Sinabi ng PCO, hindi lamang sa mga kabahayan dapat sanang ugaliing gawin ang pagtitipid ng kuryente ngayong nararamdaman na ang tag-init kundi maging sa mga workplace.
Sa kabilang dako, ibinahagi naman ng PCO ang mga impormasyon ukol sa energy efficiency mula sa Department of Energy (DoE).
Para sa PCO, makatutulong ang paggamit ng mga ilaw na LED na tiyak na makababawas sa konsumo ng kuryente habang maka-aambag din umano ang pagtitipid sa kuryente para makatulong sa environmental benefits at paglaban sa climate change.
Samantala sinabi naman ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno na ikinukunsidera ng gobyerno na magpatupad ng mas maagang pagbubukas sa mga tanggapan ng gobyerno partikular na ang alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon para makatipid sa kuryente at ilagay sa 25 ang temperatura ng mga air condition sa mga government offices. (Daris Jose)
-
WENDELL, na-overwhelm nang makita na ang baby girl nila na si MADDIE after ng three months lock-in taping
NAGSIMULA na last Monday ang GMA Network na ipalabas ang mga bagong teleserye ng GMA Drama at shows mula sa GMA News & Public Affairs. Nauna nga this week ang recap ng Prima Donnas after ng Eat Bulaga. Sa Monday, January 24, naman mapanood ang simula ng Book 2 ng Prima […]
-
LeBron James may buwelta sa mga kritiko
Binuweltahan ni NBA star LeBron James ang kaniyang mga kritiko. Kasunod ito ng pagkakatala niya sa loob ng 17 na magkakasunod na season bilang manlalaro na mayroong average na 25 points kada laro. Dahil dito, nalampasan na niya sina Michael Jordan, Kobe Bryant at Kevin Durant na mayroong 12 total seasons na […]
-
House-to-house na pagbabakuna sa seniors
Aminado ang Department of Health (DOH) na malaking hamon pa rin ang mababang turn-out ng mga nababakunahang senior citizen at naniniwala siyang solusyon dito ang ginagawang pagbabahay-bahay ng local government units (LGUs). Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi lang pag-aalangan ang nakikitang dahilan sa mga matatanda, kung ’di sa takot na […]