PCO, lalagda ng MOU sa partner agencies para labanan ang disinformation, misinformation
- Published on August 15, 2023
- by @peoplesbalita
HANDA na ang Presidential Communication Office (PCO) na ipatupad ang Media and Information Literacy (MIL) Campaign Project ng administrasyong Marcos.
Sa katunayan, magkakaroon ito ng ceremonial signing ng Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang mga partner agencies sa darating na Lunes, Agosto 14, 2023.
Ang aktibidad ay gagawin sa Hilton Manila sa Pasay City.
Ang MIL ang tugon ng administrasyon sa “disinformation at misinformation” na salot sa digital landscape ng bansa, nakatuon sa pagpapahusay sa mga kabataan na maging mas maunawaing consumers ng media
Sa kabilang dako, ang iba pang ahensiya na kasama sa inisyatiba ay ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“These agencies will collaborate with the PCO on a comprehensive execution plan crafted to target the identified root causes of the issue. The MIL will be integrated into the higher education curriculum, community-based trainings, and family-oriented programs,” ayon sa Malakanyang.
Inaasahan naman ang mga social media companies at kanilang mga plataporma na makikipag-sanib puwersa sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapahiram ng
‘tools’ o gamit at kasanayan para labanan ang “disinformation at misinformation.”
Samantala, kabilang maman sa mga ito ay ang Google (YouTube), Meta (Facebook, Instagram, at Threads), TikTok at X (formerly Twitter). (Daris Jose)
-
PBBM, nakahamig ng P14.5B investment commitments sa Japan trip
INIULAT ng administrasyong Marcos, araw ng Lunes ang P14.5 billion na kabuuang puhunan kasunod ng business event ng Department of Trade and Industry-led (DTI) sa idinaos na ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo, Japan. Sa ilalim ng bagong nilagdaang kasunduan at pledges updates, sinabi ng mga trade officials na ang investments commitments ay maaaring […]
-
Chinese vessels sa West PH Sea lalo pang dumami, umaabot na sa 240 barko – Task Force
Mas lalo pa umanong dumami ang mga barko ng Chinese na nakapaligid sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. Batay sa latest maritime at sovereignty patrols na isinagawa noong April 11, 2021 nasa 240 Chinese vessels ang nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea sa karagatang sakop ng bansa. […]
-
Ads March 22, 2023