PCOO Sec. Andanar, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng pumanaw na si dating Deputy Speaker at Cebu City First District Rep. Raul del Mar
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
NAGPAABOT ng pakikiramay si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa pamilya ni dating Deputy Speaker at Cebu City First District Rep. Raul del Mar na pumanaw, Lunes ng gabi.
Si Del Mar, na nagsilbi bilang kongresista ng north district ng Cebu City sa loob ng 9 na termino simula 1987, ay binawian ng buhay sa ospital sa Maynila sa edad na 79.
Kinumpirma naman ni House of Representatives Secretary-General Jocelia Bighani-Sipin ang pagkamatay ni del Mar.
“We pray for the eternal repose of his soul, and for his family and loved ones to find strength in this time of grief,” ang pahayag ni Sec. Andanar.
Sinabi ni Sec. Andanar na ang commitment ni del Mar sa kanyang trabaho ay palaging maaalala ng kanyang mga constituents na kanyang napagsilbihan sa panahon ng kanyang panunungkulan partikular na iyong mga “under privileged.”
Pinuri rin niya si del Mar para sa pagtulong nito sa “growth and development” ng kanyang distrito aspeto ng infrastructure, social services, at poverty alleviation.
Hindi rin nakalimutan ni Sec. Andanar na purihin si del Mar para sa kanyang legislative work pagdating sa media concerns.
Si Del Mar ay principal author ng Republic Act No. 11122 of 2018 “which declares September 21 of each year as a working holiday in the cities and province of Cebu in celebration of the Cebu Press Freedom Day.”
“Being the son of a journalist and a manager of a local newspaper, his dedication to promote and improve a free yet responsible journalism and media landscape is truly worth noting, which led to people hailing him as ‘Kampeon sa Medya,’” aniya pa rin.
Kaugnay nito, nagpaabot din ng pakikiramay ang liderato ng Kamara sa pagpanaw kahapon ni Cebu Rep. Raul Del Mar.
Sa mensaheng ipinadala ni House Speaker Lord Allan Velasco, ipinaaabot nila sa pamilya at sa mga kasamahan ang kanilang pakikidalamhati at panalangin para sa ng yumaong kongresista.
Ayon kay Velasco, naipakita ni Del Mar ang passion at commitment nito sa pagseserbisyo publiko sa loob ng siyam na termino bilang kongresista mula pa noong 1987.
Sa loob aniya ng 27 taon ay perfect attendance din ang mambabatas at regular itong dumadalo sa mga sesyon at pagdinig.
Sinabi naman ni Majority Leader Martin Romualdez na hindi malilimutan si Del Mar dahil sa edad nitong 79 taong gulang ay hindi ito napagod na pagsilbihan ang kanyang mga kababayan kahit pa sa gitna ng COVID-19 pandemic. (Daris Jose)
-
30% dagdag sa sahod ng mga papasok sa trabaho sa May 9 – DOLE
MAKAKATANGGAP ng dagdag na 30% sa suweldo ang mga empleyadong pumasok at nag-duty sa trabaho sa araw ng halalan. Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ito ay makaraang ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1357 na nagdedeklara sa Mayo 9, 2022 national and local elections bilang isang ‘Special (Non-Working) […]
-
Thankful na nakasama sa top-rating afternoon series: ALLEN, bumili ng pick-up truck para may remembrance
THANKFUL ang mahusay na actor na si Allen Dizon na naging part siya ng cast ng top-rating GMA Afternoon drama series na “Abot-Kamay na Pangarap”, na kung saan gumaganap siya bilang katambal si Carmina Villarroel. Nakabili siya ng Toyota Hilux pick-up truck, mula sa talent fee niya, para raw may remembrance sa […]
-
Alice Guo ‘iseselda’ sa Pasig City Jail – PNP
POSIBLENG ngayong araw mailipat sa Pasig City Jail si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo. Ito naman ang napag-alaman mula kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, dahil kailangan pang ibalik ng Criminal Investigation and Detection Group ang warrant of arrest ni Guo sa Pasig Regional Trial Court. Ayon sa PNP, may ilan […]