• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PCSO chair, pinuri positibong epekto ng Bagong Pilipinas Service Fair

PINURI ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Junie E. Cua ang positibong epekto ng programa tulad ng “Bagong Pilipinas Service Fair” sa pagpapalapit ng pamahalaan sa mga mamamayan.

 

 

“Programs such as the Bagong Pilipinas Service Fair have a positive impact on our communities. Dahil sa mga programang ganito na gobyerno mismo ang lumalapit sa mga tao, nabibigyan ng agarang solusyon ang mga problemang hinaharap ng mga kababayan natin,” ani Cua.

 

 

“I am confident that this government has more programs in store for the people,” dagdag ni Cua.

 

 

Sumama si Cua kay Pres. Ferdinand Marcos, Jr. at iba pang opisyal ng gobyerno sa paglulunsad ng service caravan sa Camarines Sur noong Sabado.

 

 

Itinampok sa paglulunsad ng caravan ang progra­mang “Kadiwa ng Pangulo” na naglalayong mapabuti ang access sa abot-kayang pagkain at iba pang mga produkto; passport on wheels, driver’s license registration and assistance, National ID, Pag-IBIG Fund, National Bureau of Investigation at police clearance applications.

 

 

“Sumama rin po ang PCSO para ipaalam sa mga kababayan natin na maaari silang humingi ng tulong sa ahensiya,” ani Cua.

 

 

“Ang ating Medical Access Program ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga kababayan natin para sa iba’t ibang sakit, medical at laboratory procedure. Bukod pa po ito sa iba’t ibang donasyon ng PCSO sa mga LGU, ospital, at iba pang ahensya ng pamahalaan,” dagdag pa ni Cua.

 

 

Tiniyak din ni Chairman Cua na patuloy na magsusumikap ang PCSO para suportahan ang pangako ng administrasyong Marcos sa taos-pusong paglilingkod sa taumbayan. (Daris Jose)

Other News
  • Marawi bombing inako ng ISIS

    INAKO ng terror group na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang pagsabog kamaka­lawa ng umaga sa Min­danao State University (MSU) na ikinasawi ng apat katao at ikinasugat ng nasa 50 iba pa habang isinasagawa ang misa.     Sa isang communique, sinabi ng ISIS na miyembro nila ang nag-detonate ng bomba. Ito rin […]

  • MGA PASAWAY SA HEALTH AT SAFETY PROTOCOLS SA BI, MAY KAPARUSAHAN

    NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) na paparusahan ang kanilang empleyado o ang isang indibidwal na regular na pumapasok at nakikipag-transaksiyon sa kanilang tanggapan sa Intramuros, Manila na sumusuway sa  health at  safety protocols upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.   Ayon kay  Immigration Commissioner Jaime Morente ay matapos na nakatanggap siya ng mga ulat […]

  • Halos 200 pamilya sa Caloocan, nakatanggap ng CELA

    HALOS 200 pamilya ang nakatanggap ng Certificate of Entitlement for Lot Allocation (CELA) sa pamamagitan ng pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan at ng Housing and Relocation Office (HARO), sa ginanap na seremonya na pinangunahan ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan.   Ang mga benepisyaryo ay matagal nang mga residente ng Sitio Gitna, Barangay 166 […]