• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PCSO kasado na sa pamamahagi ng ayuda

TINIYAK ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) na handa na sila sa pamamahagi ng relief goods para sa mga taong maaapektuhan ng bagyong Betty.

 

 

Kasunod ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng kinauukulang ahensya na kailangan maghanda para sa malawakang operasyon ng pagtulong sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.

 

 

Mabilis na inatasan ni PCSO General Ma­nager Mel Robles ang mga branch office at Small Town Lottery Authorized Agency Centers (STL AACs) sa Northern Luzon na maghanda para sa pamamahagi ng tulong para sa mga pamilyang maaapektuhan ng bagyo.

 

 

“We understand the importance of preparedness, and our branch offices will be in constant coordination with local organizations and go­vernment units for effective response and distribution of assistance,” ayon kay GM Robles.

 

 

Nauna nang naghanda ang PCSO Main Office sa Mandaluyong City ng libu-libong food packs bukod sa mga sako ng bigas at relief goods na nakaposisyon sa mga sangay nito sa Cagayan at Benguet; at STL ACCs sa Baguio, Pangasinan, Cagayan, Iloocs Norte, La Union, Kalinga at Olongapo. (Daris Jose)

Other News
  • Glory Casino On-line ️official Casino Plus Betting In Banglades

    Glory Casino On-line ️official Casino Plus Betting In Bangladesh “Glory Casino Online ⭐️ Play Now Upon Official Web Internet Site In Bangladesh Content What Does Indeed Glory Offer? What Is Fame Casino? Is This Real Or Bogus? About Glory Casino Dustin Martin Lights Up Mcg With Opening Objective In 300th Complement, Dogs Thrash Dockers In […]

  • Ads September 12, 2024

  • Marcial balik-ensayo sa gitna ng kontrobersiya

    BALIK-ENSAYO na agad si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial matapos pumutok ang kontrobersiya sa asawa nitong si Princess. Isinantabi muna ni Marcial ang mga personal na usapin para pagtuunan ang kanyang training at masigurong nasa perpektong kundisyon ito sa kabila ng mga isyu. Nais ni Marcial na pag-usapan na lamang ito sa tamang lugar […]