PCSO nagbigay ng P2.1-M para sa programa ng PSC
- Published on May 27, 2021
- by @peoplesbalita
Nakatanggap ang Philippine Sports Commission (PSC) ng P2.145,110.47 mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Tinanggap ni PSC cashier Marini Negado ang tseke mula kay PCSO private secretary 2 Marie Louise Serojales ang unang remittance ngayong taon.
Sinabi ni Serojales na kahit ngayong panahon ng COVID-19 pandemic ay tuloy pa rin ang pagtulong nila sa PSC.
Nakasaad kasi sa Republic Act 6847 na dapat mag-remit ang PCSO ng 30 percent ng charity fund at mga kita ng anim na sweepstakes lottery draws kada taon sa sports agency na gagamitin para sa development programs ng PSC.
Ilan sa mga tinatawag na grassroots programs ng PSC ay ang Batang Pinoy, Philippine National Games, Children’s Games at Indigenous People’s Games.
-
New normal, maaari nang ikasa – Malakanyang
SINABI ng Malakanyang na ang mga lugar na wala ng Covid-19 transmission ay maaari nang isailalim sa “new normal” kung saan ang natitirang quarantine restrictions ay magiging maluwag na. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases “in principle” ang deklarasyon ng […]
-
‘American Pie’, isa sa inspirasyon ng ‘coming-of-age’ movie: WILBERT, pinahanga si Direk VICTOR dahil sakto sa na-invision nila na maging ‘Boy Bastos’
AMINADO si Direk Victor Villanueva na nakilala sa award-winning at cult-favorite na Patay na si Hesus, na ang American Pie ang peg niya sa Boy Bastos na pinagbibidahan ni Kenkoy Heartthrob Wilbert Ross. Say ng young direktor, “aware naman ako. I think, siguro in every film, may manggaling sa different medium. […]
-
Pope Francis nangako ng halos P6-M na tulong sa mga biktima ng Odette
NANGAKO si Pope Francis na mamimigay ng $114,000 o halos P6-M para sa mga biktima ng bagyong Odette. Ayon sa Vatican na labis na nalungkot ang Santo Papa sa nangyaring pananalasa ng bagyo. Noong Disyembre ay isinama na rin ng Santo Papa sa kaniyang misa ang mga kalagayan ng mga biktima […]