PDEA: ‘HALAGA NG ILLEGAL DRUGS NA NAKATAGO PA SA EVIDENCE VAULT, NASA P14-B PA’
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
PUMAPATAK pa umano sa mahigit P14-bilyong halaga ng iligal na droga ang nasa kasalukuyang pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa panayam kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, sinabi nito na batay sa kanilang pinakahuling inventory, umaabot na lamang sa nasabing halaga ang hawak nilang ipinagbabawal na gamot, mula sa lampas P22-bilyon.
Paglalahad pa ni Carreon, noong Agosto nang sinunog ng PDEA at PNP ang nasa dalawang tonelada ng illegal drugs na pumapalo ng P13-bilyon, na nagmula sa pinagsamang mga drogang nasabat ng dalawang ahensya.
Kaugnay nito, siniguro naman ni Carreon na “very secured” ang mga drug evidence na nasa kustodiya nila at ng PNP at National Bureau of Investigation.
Paliwanag ng opisyal, maliban sa makabagong teknolohiya na kanilang ginagamit, may iba’t ibang tao ang may hawak ng tig- iisang susi sa bawat kandado ng kanilang mga evidence vault.
“Hindi po basta-basta nailalabas ‘yan hangga’t walang kautusan ang korte para ilabas ‘yan at dalhin sa korte for the presentation of evidence,” wika ni Carreon.
Una rito, tiniyak ni PNP Chief PGen. Camilo Cascolan na masisira sa 10 araw ang mga nakumpiska nilang iligal na droga sang-ayon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Daris Jose)
-
Mekaniko kalaboso sa 3 nakaw na motorsiklo
KULONG ang isang mekaniko matapos makumpiska sa kanya ang tatlong nakaw na motorsiklo sa isinagawang Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Neilmar Sinepete, 24 ng Phase 7-B, Block 1, […]
-
Gilas Pilipinas nanatili pa rin sa No. 31 sa world rankings – FIBA
Hindi nabago ang puwesto ng Pilipinas sa ika-31 sa buong mundo sa FIBA World rankings matapos ang Tokyo Olympics. Batay sa latest FIBA report ang Gilas Pilipinas ang ika-anim na best team sa Asia-Pacific kung saan nangunguna ang Australia na nasa No. 3 sa buong mundo. Nagbigay naman bigat sa puwesto […]
-
MGA DELEGADO SA PBA BUBBLE NAGNEGATIBO SA COVID-19
NAGNEGATIBO sa coronavirus ang lahat ng mga delegates na kasali sa PBA bubbles sa Pampanga. Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, na dahil dito ay maaari na silang makibahagi sa ensayo sa Angeles University Foundation gym. Bago kasi makapasok sa Quest Plus Conference Cener ang mga koponan ay sumailalim ang mga ito sa […]