• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDP-Laban, bumoto na naglalayong hikayatin si PDu30 na tumakbo sa pagka-Bise-Presidente sa 2022

BUMOTO ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan’s (PDP-Laban) national council , araw ng Lunes na bumuo ng isang resolusyon na naglalayong hikayatin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, chairman ng partido na tumakbo sa pagka-bise-presidente sa susunod na taon.

 

Ang nasabing resolusyon ay mage-endorso rin kay Pangulong Duterte, na pumili ng magiging running-mate nito para sa 2022 presidential elections.

 

Matatandaang makailang ulit namang itinanggi ni Pangulong Duterte na ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay tatakbo sa 2022 presidential race.

 

Magkagayon man, ipinaubaya naman ni Pangulong Duterte sa Diyos kung tatakbo siya o hindi sa pagka-bise-presidente.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tatakbo si Pangulong Duterte bilang Vice President sa 2022 elections kapag nakatanggap siya ng mensahe mula sa Diyos.

 

“A message from God because he said he leaves it to God,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na mag-a-anunsyo ang Pangulo sa tamang oras.

 

“If the President thinks it is God’s will, he will make the proper announcement in due course,” ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Kamakailan ay mariing kinontra ni Sen. Manny Pacquiao ang direktiba ni Energy Sec. Alfonso Cusi sa mga miyembro ng PDP-Laban na magtipon tipon para sa national assembly sa katapusan ng buwan.

 

Si Pacquiao bilang presidente ng PDP ay naglabas ng memorandum na nag-aatas sa lahat ng mga miyembro ng partido na ‘wag sundin ang panawagan ni Cusi na magkaroon ng national assembly sa May 31.

 

Ito ay limang buwan bago naman ang filing of certificates of candidacy para sa 2022 national elections.

 

Ayon kay Pacquiao anumang pagtitipon para sa pagpupulong ng kanilang national council o kaya assembly ay dapat na aprubado ng kanilang chairman at presidente.

 

Ang chairman ng partido ay si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Una nang nagbanggaan sina Pacquiao at Cusi noong buwan ng Marso dahil sa pagsusulong ng ilang grupo sa LDP na patakbuhin bilang bise presidente ang Pangulong Duterte sa 2022 presidential elections.(Daris Jose)

Other News
  • NBA magpapatupad nang paghihigpit pa sa mga laro

    Maghihigpit ang NBA sa mga kasuotan ng mga manlalaro.     Ilan sa mga ipapatupad na pagbabawal ay ang pagsuot ng tinted glasses at ang paglalagay ng logo sa kanilang mga buhok o gupit dahil sa maaari lang ilagay ang mga brand logo sa kanilang mga sapatos.     Pagbabawalan din ang pagbaligtad ng mga […]

  • Pag-IBIG members, makakukuha ng mas maraming benepisyo

    MAGANDANG balita para sa mga Pag-IBIG Fund members dahil nakatakdang I-enjoy ng mga ito ang “doubled savings at higher cash loan entitlements” habang patuloy na mayroong access sa abot-kayang home loans, sa kabila ng nakatakdang pagtataas sa monthly contribution rate kapuwa sa mga miyembro at employers nito simula sa susunod na buwan.     Sa […]

  • Sa ‘di pa malamang kadahilanan: Veteran actor na si RONALDO, pumanaw na sa edad na 77

    NAKALULUNGKOT na balita ang sumalubong sa publiko ilang araw bago ang Pasko… namayapa na ang batikan at multi-awarded actor na si Ronaldo Valdez   Ayon sa report, mismong ang Quezon City Police District ang nagkumpirma sa naging pagpanaw ng aktor sa hindi pa malamang kadahilanan.   Habang tinitipa namin ang kolum na ito ay wala pa […]