• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, alam na hindi labag sa batas ang posibleng pagtakbo bilang vice president sa 2022 elections

HINDI naman lingid sa kaalaman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nakasaad sa Saligang Batas partikular na sa kanyang magiging pagtakbo bilang bise-presidente sa 2022 elections.

 

Kaya naman ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nakatitiyak ang Pangulo na wala itong lalabaging batas sakali mang magdesisyon siyang tumakbo bilang bise presidente Sa 2022 elections.

 

Sa kabilang dako, iginiit naman ni Sec. Roque na isinaalang-alang ng Pangulo ang pulso ng taumbayan ukol sa kanyang mga ginagawang desisyon.

 

Sa ngayon aniya ay makabubuting hintayin na lamang muna ang magiging pinal na pasya ng Chief executive hinggil sa kung tatakbo ito O hindi sa darating na halalan ng susunod na taon.

 

Nauna rito, sinabi ng Malakanyang na ikukunsidera ni Pangulong Duterte ang public opinion sa pagdedesisyon kung ipupursige ang pagtakbo bilang bise-presidente sa 2022.

 

“The President is sensitive to the sentiments of the public, but we should rather wait for his decision,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na nagpapakita na 60% ng mga Filipino ang naniniwala na lalabagin ni Pangulong Duterte ang 1987 Constitution kung tatakbo siya bilang bise presidente sa 2022 elections.

 

Lumabas din sa kahalintulad na survey na 39% ng mga respondents ang nagsabi na dapat na tumakbo ang Pangulo bilang bise-presidente sa halalan sa susunod na taon “because I would like his management of the government to continue.”

 

Ang natitira namang 1% ay hindi nagbigay ng kanilang sagot.

 

Matatandaang, si Pangulong Duterte ang nominado ng PDP-Laban wing na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi bilang kanilang vice presidential candidate para sa 2022 polls — ang nominasyon ay tinanggap ng Pangulo.

 

Ang paghahain naman ng certificate of candidacy para sa mga tatakbo sa 2022 elections ay mula Oktubre 1 hanggang 8.

 

Para kay Sec. Roque, naniniwala ang Chief Executive na walang legal impediment para sa kanyang posibleng 2022 vice presidential run.

 

“The President is a lawyer and it is not expressly prohibited in the Constitution, and as such it is allowed,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • HERE’S KRYPTO, THE SUPER-DOG IN “DC LEAGUE OF SUPER-PETS”

    MEET Krypto, the Super-Dog and Superman’s best friend in Warner Bros. Pictures’ animated action adventure feature film “DC League of Super-Pets.”  Here to sit, stay and save the world.     Check out the featurette “Meet the Pets – Krypto the Super-Dog” below and watch the film in cinemas across the Philippines July 27.   […]

  • Pinas, ipinaabot ang imbitasyon sa Japan na sumali sa Balikatan 2025

    IPINAABOT ng Pilipinas ang imbitasyon nito sa Japan na magpartisipa sa Balikatan military exercises sa susunod na taon sa pagitan ng mga military ng Pilipinas at Estados Unidos.     Sinabi ni Col Michael Logico, tagapagsalita para sa 2024 Balikatan Exercises, na nagpahayag ng interest ang Japan na sumali sa annual joint exercises mula pa […]

  • 17.9 milyong mag-aaral naka-enrol na – DepEd

    INIULAT  ng Department of Education (DepEd) na umaabot na sa higit 17.9 milyon ang bilang ng mga mag-aaral na nagpatala na para sa susunod na pasukan.     Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2022-2023, nabatid na hanggang alas-7 kahapon, nakapagtala na ang DepEd ng kabuuang 17,900,833 enrollees. […]