• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30 at Pacman, nagpulong sa Malakanyang, nagkabati na

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang nangyaring pulong noong Nobyembre 9 sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Senador Manny Pacquiao.

 

” It was a short and cordial meeting requested by the camp of the good Senator,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Aniya, naroon din sa pulong si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

 

Tiniyak ni Sec. Roque na walang napag-usapan ukol sa pulitika kundi “renewal of friendship.”

 

Ang importante rin aniya ay pulong ito sa pagitan ng dalawang national leaders mula Mindanao, kung saan ay pinag-usapan ang ilang bagay na may kinalaman sa concern ng mga mamamayan sa kanilang lugar lalo na aniya sa larangan ng imprastraktura at power industry.

 

Ganito rin ang naging pahayag ng Tanggapan ni Pacquiao.

 

Sinabi naman ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na mabilis lamang ang nasabing pulong na ni- request ng kampo ni Pacquiao.

 

“Kamustahan lang, maikli na usapan, renewal of friendship, walang pulitika,  importante nagkausap sila ni PRRD. Kami naman ni Manny , kaibigan naman kami ni kumpare,” ayon kay Go sa isang text message. (Daris  Jose)

Other News
  • Mag-amang top 5 at 6 most wanted ng Navotas, nasukol sa Masbate

    NALAMBAT ng pinagsanib na puwersa ng Navotas police at Masbate Provincial Police Office ang mag-ama na kabilang sa Top 5 at Top 6 Most Wanted Person ng Navotas City makaraang matunton sa kanilang lugar sa lalawigan ng Masbate.     Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang nadakip na si Judy Arizala, 68, […]

  • Mas marami pang ruta ng bus, dyip, UV bubuksan ng LTFRB

    Magbubukas pa ng mas maraming ruta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa operasyon ng mga bus, jeep, at UV Express units sa mga susunod na araw.   “We’re going to increase public transport because there is a need to do that, not just in Metro Manila but all across the country,” ani […]

  • Walang basehan ang mga tirada at akusasyon ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte kay PBBM

    ITO ang pahayag ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe sa mga tirada at akusasyon ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte labrtean kay Presidente Bongbong Marcos.     Giit nito, ang pag-atake ay pagpapakita lamang kung gaano umano kadesperado ni Duterte para mailayo ang atensiyon mula sa isinasagawang imbestigasyon sa alegasyon na crimes against humanity […]