• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, balik-Davao pagkatapos ng termino sa June 2022

PLANONG bumalik ng Davao si Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte sa oras na natapos na niya ang kanyang termino sa Hunyo 2022.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay tugon sa ulat na di umano’y pilit na pinalulutang ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo na ideya na tatakbo bilang vice president si Pangulong Duterte sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na tatakbo naman sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

 

“Ang pagkakaalam ko po eh, atat na atat na si Presidenteng matapos ang kanyang termino at gusto na niyang umuwi dito sa Davao,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Iyong Duterte-Duterte tandem po na sinasabi ni Secretary Panelo, iyan po ay kanyang personal na opinyon,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Matagal na kasing pinalulutang ni Sec. Panelo ang Duterte-Duterte tandem.

 

“Pag tumakbo na itong Duterte-Duterte, wala na.Di ba ninyo napapansin? Mula noon ibinigay ko ang ideyang ‘yun na baka tumakbo si Mayor Sara Duterte bilang presidente at si Presidente Duterte tumakbong bise presidente, na puwede naman, may narinig ba kayong reaksyon galing sa kaliwa o galing sa oposisyon? Wala. Wala kasi hindi nila malaman pano mag-re-react. Hindi nila akalain na puwede pala ‘yun,” ayon kay Sec. Panelo.

 

“Maraming nga…puwede pala tumakbo si presidente ng bise presidente. Puwede . Kasi ang labag lang sa Saligang Batas, ‘yung Presidente na nakaupo after six years tatakbo uli ng presidente, hindi puwede ‘yun. Pero kung tatakbo siya ng ibang position, gaya ng bise presidente puwede ‘yun.  Tingnan ninyo si Presidente Gloria Arroyo, ‘di ba tumakbong congessman. Nanalo,” dagdag na pahayag ni Sec. Panelo.

 

Nauna nang sinabi ni Sec. Panelo na kakain ng alikabok ang magtatangkang lumaban sa “Duterte-Duterte” tandem sa 2022 National Elections.

 

Aniya,  hindi mag-o-overstay si Pangulong Duterte sa Malakanyang at tatapusin niya ang kaniyang termino sa kabila ng mga isyu sa kaniyang kalusugan.

 

Binigyang diin nito na walang sinumang makatatalo kapag nag-tandem na ang mag-amang Duterte.

 

Sa katunayan, nangyari na aniya ito nang magsilbi noon si Pangulong Duterte bilang Bise Alkalde ng Davao City habang Alkalde naman si Inday Sara mula 2010 hanggang 2013.

 

May pagkakataon ding sinabi ni Sec. Panelo kay Mayor Sara na parehas sila ng tatahaking landas ng kanyang ama. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Jesus; John 15:4

    Live in me and I in you.

  • ETRAVEL REGISTRATION, LIBRE

    BINIGYAN diin ni Bureau of immigration Commissioner (BI)  Commissioner Norman Tansingco na ang pagpaparehistro  ng eTravel ay libre at binabalaan nito ang publiko laban sa mga scammers.     “The eTravel registration process is absolutely free of charge.  We, therefore, advise the traveling public to register only in the government’s official website at https://etravel.gov.ph.,” ayon […]

  • PhilHealth, dapat bayaran ang P18B utang

    Dapat munang bayaran ng Philippine Health Insurance Corp ang P18 bilyong reimbursement claims ng mga pribadong ospital, ayon sa mambabatas.   Batay kay Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, sa datos ng Philippine Hospitals Association of the Philippines (PHAP) ay may utang ang Philhealth na P14 bilyon noong December 2018 at P4 […]