PDu30, bibigyan ng hustisya ang 3 namatay sa fatal shoutout sa pagitan ng mga tauhan ng QCPD at PDEA sa QC
- Published on February 26, 2021
- by @peoplesbalita
LABIS ang pag-aalala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nangyaring fatal shootout sa pagitan ng mga police officers at ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), araw ng Miyerkules.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipinangako ng Pangulo na bibigyan niya ng hustisya ang tatlong nasawing indibidwal.
“The President, of course, expressed both sadness and concern bakit nangyari nga ito na kapwa tao ng gobyerno ay nagkaputukan,” ayon kay Sec. Roque.
“Ang in-assure niya, gaya ng nangyari sa Sulu, ay we will get to the bottom of this incident, magkakaroon po ng partial investigation at justice will be done,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, tatlo ang namatay sa nangyaring “misencounter” sa pagitan ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon ng hapon.
Ito matapos na marekober ang isa pang bangkay na mula sa operatiba ng PDEA.
Nauna nang naiulat na dalawang pulis ang nasawi sa nasabing buy bust operation ng dalawang panig na nauwi sa engkwentro.
Samantala, inatasan na rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa engkwentro.
Paglilinaw ni Guevarra, ang pag-iimbestiga ng NBI ay hiwalay sa pag-iimbestiga ng ad hoc joint PNP – PDEA Board of Inquiry.
Una nang nagkasundo ang PNP at PDEA na bumuo ng joint Board of Inquiry para imbestigahan ang pangyayari na nagresulta sa pagkakasugat ng tatlong pulis, dalawang PDEA agents at isang sibilyan.
Batay sa ulat ng QCPD – Batasan Police Station, nagsagawa ng anti-drug operation ang QCPD-Special Operations Unit sa lugar at una silang pinaputukan ng mga ahente ng PDEA.
Pero sinabi ni PDEA Spokesperson Dir. Derick Carreon na may operasyon din sa lugar ang mga tauhan ng kanilang Special Enforcement Service. (Daris Jose)
-
12-anyos na dalagita 1 taon sex slave ng step father
NAGWAKAS na ang isang taon kalbaryo ng 12-anyos na dalagita sa kamay ng step father niya nang maglakas loob na itong isumbong sa kanyang ina ang ginagawang panghahalay sa kanya ng amain makaraang muli siyang gapangin sa Navotas City. Lumabas sa pagsisiyasat ng Navotas Police Women and Children Protection Desk (WCPD) na nagsimula […]
-
Kalahati ng 11 milyong plate backlog tatapusin ng LTO sa loob ng 6 buwan
TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na tapusin ang kalahati ng 11 milyong plate backlogs sa loob ng anim na buwan. Ayon kay LTO Assistant Secretary Teofilo Guadiz III kabilang sa 11 milyong backlog ang mga plaka na dapat sana’y natapos na mula 2016. “Ang timeline ko rito mga six months […]
-
KORINA, nagbahagi ng emotional tribute sa biglaang pagpanaw ni RICKY LO
NAGLULUKSA na naman ang local entertainment industry dahil sa biglaan at nakagugulat na pagpanaw ng ‘well loved’ veteran entertainment editor at TV host na si Ricky Lo. Noong gabi ng May 4, bandang 10 p.m. kumalat na ang balitang namaalam na si Kuya Ricky or Tito Ricky hanggang sa makumpirma na ayon mismo […]