• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, binisita ang mga biktima ng bagyong Odette sa Dinagat islands

PERSONAL na binisita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kasama si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at iba pang opisyal ng pamahalaan ang mga biktima ng bagyong Odette sa Dinagat Islands.

 

Nakipagkita ang Pangulo sa mga evacuees o bakwit at lokal na opisyal ng nasabing lugar kung saan ay nangako siyang magbibigay ng tulong upang mapabilis ang clearing operations at tulungan ang mga residente na kumpunihin ang kanilang mga tahanan.

 

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagbigay din ng mga sumusunod na direktiba ang Pangulo.

 

Unang direktiba ng Pangulo ay magbibigay ng financial assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado ng bagyong Odette.

 

Pangalawa, imo-monitor at pangangasiwaan ng Department of the Interior and Local Government ang distribusyon ng nasabing financial assistance.

 

Pangatlo, patuloy na magbibigay ang DSWD ng family food packs sa mga biktima ng bagyo.

 

Pang-apat, magbibigay ang National Housing Authority ng housing assistance na nagkakahalaga ng P100-M sa typhoon victims sa Dinagat Islands kung saan ang mga bahay ay “partially at totally damaged.”

 

At pang-lima, titiyakin ng Department of Energy ang delivery ng gasolina at iba pang petroleum products sa Dinagat Islands.

 

Samantala, pinasalamatan naman ng Malakanyang ang lahat ng “generous allies” sa international community, development partners, organisasyon, mga pamilya at mga indibiduwal para sa nag-uumapaw na suporta at pagdamay sa mga kababayang filipino.

 

“We also assure our kababayans that your government continues to work double time in its relief, recovery, and rehabilitation efforts to aid displaced families in hard-hit areas as they begin the process of rebuilding their lives in the aftermath of the most devastating typhoon to hit our country this year,” ayon kay Nograles. (Daris Jose)

Other News
  • Malakanyang, binatikos ang plano ng Senado na ipatawag si Durante para magpaliwanag ukol sa pagtuturok ng bakuna laban sa Covid- 19 sa mga PSG personnel

    BINATIKOS ng Malakanyang ang panukalang ipatawag si Presidential Security Group (PSG) commander Brigadier General Jesus Durante III sa SEnado para magpaliwanag ukol sa inoculation o pagbabakuna sa PSG troops gamit ang unregistered COVID-19 vaccine.   Umapela si Presidential spokesperson Harry Roque sa Senado na igalang ang hiwalay na kapangyarihan sa pagitan ng ehekutibo at leislaturang […]

  • TBA STUDIOS ANNOUNCES ACQUISITION OF INTERNATIONALLY-ACCLAIMED FILM ‘LINGUA FRANCA’

    TBA Studios has just announced its acquisition of a new full-length feature, the internationally-acclaimed film “Lingua Franca”, right on the heels of the ongoing back-to-back successes of its two digital series, “Small Talk” and “Taguan.”   “Lingua Franca”, a film festival favorite (an official selection in over 40 international film festivals including the Venice Film […]

  • PDu30, pinadalhan na ng imbitasyon para sa campaign rally ng pagsasanib ng PDP-Laban at UniTeam

    KINUMPIRMA ng Malakanyang na imbitado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inihahandang campaign rally para sa gagawing unification ng PDP at Uniteam.     Ito ang inihayag ni Acting Presidential Spokesperson at PCOO Secretary Martin Andanar matapos ang pag- uusap ng UniTeam at PDP-Laban para sa ikakasang joint rally.     Sa katunayan ani Andanar […]