PDu30, “consistent” sa pagpapatupad ng polisiya na nagsusulong sa karapatang-pantao –Medialdea
- Published on December 14, 2021
- by @peoplesbalita
CONSISTENT si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpapatupad ng mga polisiya na nagsusulong sa karapatang-pantao.
Ito ang inihayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa pagdiriwang ng International Human Rights Day.
Tinukoy ni Medialdea ang pagpapasa ng batas gaya ng Free College Education, Universal Healthcare Program, at maging ang infrastructure program, cash aid sa gitna ng COVID-19 pandemic at COVID-19 response ng gobyerno, at maging ang anti-drug war, anti-terrorism at anti-corruption initiatives.
“The President consistently introduced and implemented programs to reduce inequalities and advance human rights,” ayon kay Medialdea.
“The success of these endeavors benefited our people who deserve protection and justice. The President made a promise that his administration will pursue social justice, and we all have seen those promises fulfilled even in the midst of a pandemic,” dagdag na pahayag nito.
Ang drug war ng administrasyong Duterte sa kabilang dako ay nahaharap sa masusing pagsisiyasat mula sa International Criminal Court (ICC) bunsod ng mga reklamo na isinampa ng mga pamilya at biktima ng drug war killings.
Ang reklamo na di umano’y nagawa ng administrasyon ay crimes against humanity sa drug war nito.
Ipinagpaliban naman ng ICC ang imbestigasyon sa drug war ng administrasyon dahil na rin sa kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas. (Daris Jose)
-
Matapos hulaan ng Korean fortune teller: GLAIZA, ima-manifest na magkaka-baby na sila ni DAVID next year
BALIK sa pagigiging kontrabida si Glydel Mercado sa Philippine adaptation ng hit Korean drama series na ‘Shining Inheritance’. Matagal ding nagpahinga ang award-winning actress sa paggawa ng teleserye. Huli pa niyang nagawa ay ‘Artikulo 247’ noong 2022 pa. Sa ‘Shining Inheritance’, gaganap siya bilang si Lani Vergara-Villarazon, ang madrasta na […]
-
Malakanyang, pinuri ang mga COVID heroes
PATULOY na kinikilala ng Malakanyang ang “selflessness and hard work” ng COVID-19 frontliners kasabay ng pagdiriwang 3rd Araw ng Kagitingan (Day of Valor) sa panahon ng pandemya. Tinawagan ng Malakanyang ang publiko na tingnan ang present-day heroes habang patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19. “As we adapt to the new normal brought […]
-
Ads January 20, 2021