• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, dadalo sa virtual APEC sa Nobyembre

INAASAHANG dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Week sa Nobyembre 12.

 

Ang bansang New Zealand ang magho-host ng nasabing event.

 

“Inaasahang dadalo via video conferencing ang Pangulo sa Asia Pacific Economic Cooperation or APEC sa Nov. 12,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Inaasahan na dadalo ang Chief Executive sa lahat ng APEC opening at closing ceremonies, “the Global Economic Outlook: Presentation by the International Monetary Fund; Recovering from Covid-19 Build Prosperity for All our People and Future Generations; and the Handover ng APEC chairing to Thailand.”

 

Ang APEC ay isang regional economic forum na itinatag noong 1989 na naglalayong lumikha ng “greater prosperity” para sa mga tao sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpo-promote ng “balanced, inclusive, sustainable, innovative and secure growth” at pag-arangkada sa regional economic integration, ayon sa kanilang official website.

 

Ang 21 member economies ng APEC ay Australia; Brunei Darussalam; Canada; Chile; People’s Republic of China; Hong Kong, China; Indonesia; Japan; Republic of Korea; Malaysia; Mexico; New Zealand; Papua New Guinea; Peru; The Philippines; The Russian Federation; Singapore; Chinese Taipei; Thailand; United States of America; Viet Nam.

 

Ang New Zealand ang kauna-unahang economy na magho- host ng buong virtual host year ng APEC.

 

Noong Hunyo, ang gobyerno ng New Zealand ay nag-anunsyo na sila na ang gagawa ng hakbang para sa digital event para makapagbigay ng kasiguraduhan na magaganap ang nasabing event.

 

Sinabi ni APEC New Zealand Deputy Secretary Andrea Smith na ang global disruption dahil sa Covid-19 at nagresulta ng border restrictions ay mga pangunahing dahilan sa naging desisyon na gawing virtual ang naturang event.

 

Ang event ay inaasahan na magbubuklod at magpapahusay sa rules o alituntunin para sa international trade and investment.

 

“Hosting APEC in 2021 is a really important opportunity for New Zealand to be at the leading edge of shaping the agenda of the Asia Pacific,” ayon kay Smith.

 

Aniya, ang hakbang ay makatutulong para matiyak na ang trabahong ginawa ng APEC sa pamamagitan ng pagho-host ng New Zealand ay “very much able to contribute” sa economic recovery ng rehiyon.

 

“Traditionally, hundreds of APEC events are hosted over 12 months, culminating in the APEC leaders’ meeting,” ayon sa ulat. (Daris Jose)

Other News
  • SIMULATION, GAGAWIN SA AIRPORT

    MAGSASAGAWA   ng simulation sa  airport  ang Department of Health (DOH) bukas  kasama ang tatlong malalaking ospital bilang paghahanda sa darating na mga bakuna na dadalhin sa mga storage  facility o  vaccine hub.   Ayon kay Usec Maria Rosario Vergeire, mula sa paliparan dadaan sa clearance mula sa Bureau of Customs (BOC) bago ito ilabas […]

  • CHR, kinondena ang anumang uri ng karahasan na ginawa ng mga law enforcers

    HAYAGANG kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang anumang uri ng karahasan na ginawa ng apat na pulis na pinatay ang isang mag-ama sa isinagawang illegal drugs operation sa Caloocan City noong 2016.     Pinuri naman ng Komisyon ang naging hatol na homicide ni Caloocan City Regional Trial Court Judge Ma. Rowena Violago […]

  • Tatay ni Dr. Yumol na suspek sa Ateneo shooting incident patay

    PATULOY ang imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) sa nangyaring pamamaril sa Lamitan City sa Basilan na ikinasawi ng tatay ni Dr. Chao Tiao Yumol na si Rolando Yumol sa harap ng dating clinic ng duktor na matagal nang ipinasara.     Apela ni PNP PIO Chief Police Brig. Gen Augustus Alba sa publiko, tigilan […]