PDu30, galit na hinamon si Pacquiao na ituro ang ‘corrupt’ na opisina ng gobyerno
- Published on June 30, 2021
- by @peoplesbalita
Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Manny Pacquiao na ituro sa kaniya kung saan ahensiya ang sinasabi nitong may pinakagrabeng nangyayaring kurapsyon.
Sa weekly address ng pangulo sinabi nito na agad siyang gagalaw kapag maituro ng senador ang ahensiya at mga taong may nangyayaring kurapsyon.
“Si Pacquiao salita nang salita na three times daw tayong mas corrupt so I am challenging him, ituro mo ang opisina na corrupt at ako na ang bahala within one week may gawin ako.. “Do not ever think that if you will win as president na wala nang corruption dito sa Pilipinas,” wika pa ng pangulo.
Reaksyon ito ng chief executive sa nasambit ng senador na tatlong beses na mas grabe ang kurapsyon ngayon sa administrasyon ni Pangulong Duterte.
Si Pacquiao ay kasalukuyang pangulo ng PDP-Laban habang chairman naman ng partido si Pangulong Duterte.
Nagbanta rin ang pangulo na sakaling tumakbo sa pagka-presidente si Pacquiao mismong siya ang magkakampanya na ‘wag itong iboto ng taongbayan dahil sa pagiging “sinungaling.” (Daris Jose)
-
SEA A WHOLE NEW WORLD WITH DREAMWORKS’ NEW YOUNG HERO “RUBY GILLMAN, TEENAGE KRAKEN” TO MAKE WAVES IN LOCAL CINEMAS
DreamWorks’ latest coming-of-age YA movie “Ruby Gillman, Teenage Kraken” starring Lana Condor (from To All The Boys I’ve Loved Before franchise) in the titular role is about to make a big splash in cinemas nationwide starting June 28. “Ruby Gillman, Teenage Kraken” dives into the turbulent waters of high school with a […]
-
BRITNEY SPEARS, engaged na sa longtime boyfriend na si SAM ASGHARI
ENGAGED na ang pop superstar na si Britney Spears sa kanyang longtime boyfriend na si Sam Asghari. Nangyari ang proposal ni Sam pagkatapos magwagi si Britney sa kanyang pinaglalaban na freedom mula sa conservatorship ng kanyang amang si Jamie Spears. Nag-file last week si Jamie ng petition sa korte para maalis na siya bilang […]
-
Mahigit 17,000 na mga frontline worker sa Bulacan, tumanggap ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19
LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbakuna na ang Bulacan ng 17,280 na mga frontline worker kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na nasa Priority Group A1 sang-ayon sa resolusyon na iniharap ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) at DOH Technical Advisory Group (DOH-TAG) mula ng simulan ang programa noong Marso 8, 2021. Nitong […]