PDu30, gustong palitan ni Roque si Gordon sa Senado
- Published on April 13, 2022
- by @peoplesbalita
NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na palitan ni dating presidential spokesperson at senatorial bet Harry Roque si reelectionist senator at Philippine Red Cross (PRC) chairperson Richard Gordon sa Senado.
“I think you should really be in the Senate…Dapat ‘yan kagaya nila Gordon, palitan mo na ‘yan,” ang tinuran ni Pangulong Duterte kay Roque sa second episode ng President’s Chatroom na in-ere ng state-run PTV-4, Linggo ng gabi.
Muling binanatan ni Pangulong Duterte si Gordon para sa ginagawa nitong imbestigasyon sa di umano’y irregular contracts ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corp. para magbigay ng medical supplies sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic noong 2020.
Aniya pa, tila “inihaw” ng ilang oras nina Gordon at ng iba pang senador ang kanyang mga Cabinet officials, sinayang ang oras na dapat sana ay nagamit sa kanilang trabaho.
“The only thing really that I was not in agreement with them was tinatawag nila, nandiyan sa umaga, in the morning, and yet the whole day nakaupo sila doon, hindi sila tinatawag at all,” ayon kay Pangulong Duterte.
Para naman kay Roque, inilarawan nito nang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon committee sa pangunguna ni Gordon bilang “in aid of election.”
“Wala naman silang kahit anong batas na binuo. Tapos ni hindi man lang nakakuha ng mayorya ng mga senador para pirmahan ‘yung report. So talagang wala pa pong report ‘yan ,” ayon pa rin kay Roque.
Nakahihiya rin aniya sa parte ni Gordon na gamitin ang PRC sa kanyang political advertisements.
“Nakakahiya po na tayo lang ‘yung mayroong chairman na ginagamit ‘yung Red Cross sa advertisement niya sa eleksiyon,” anito.
Sakali aniya at palarin si Roque na makaupo sa Senado ay maaari na niyang ipaalam sa International Red Cross ang tungkol sa di umano’y “misdeeds” ni Gordon.
“Kaya gusto ko nandiyan ka sa Senado. Hihingiin ko lang magsabi ka lang ng totoo. Mag-privilege speech ka lang and you just tell the truth and nothing but the truth para malaman ng tao, para malaman ng International Red Cross kung anong ginagawa nitong kumag na ‘to,” dagdag na pahayag nito.
Nauna rito, sinabi ni Pangulong Duterte na ginamit ni Gordon ang PRC bilang kanyang “milking cow” para pondohan ang kanyang election campaign. (Daris Jose)
-
Warriors nakaganti sa Game 2 ng NBA Finals matapos ilampaso ang Boston Celtics, 107-88
NAKAGANTI ngayon ang Golden State Warriors sa Game 2 ng NBA Finals matapos ilampaso ang Boston Celtics, 107-88. Dahil dito tabla na ang serye sa tig-isang panalo. Sa pagkakataong ito hindi na nagpabaya pa ang Warriors kung saan mula sa first quarter hanggang sa 4th quarter ay hindi na binitawan pa […]
-
Dating Finance Secretary Roberto de Ocampo, kumbinsidong hindi natutulog sa pansitan ang administrasyong Marcos para mapalakas ang ekonomiya
KUMBINSIDO si dating Department of Finance (DoF) Secretary Roberto de Ocampo na may ginagawang mga hakbang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maging malakas at tuloy- tuloy ang takbo ng ekonomiya ng bansa. Sinabi ni de Ocampo, nakikita niyang nagsusumikap ang administrasyong Marcos para matiyak na may trabaho ang mga tao habang naghahanap […]
-
Ads October 8, 2022