• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, hindi bulag at bingi sa korapsyon

HINDI nagbubulag-bulagan at nagte-tengang kawali si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa korapsyon lalo na kung mayroong matibay na ebidensiya laban sa inaakusahang public official.

 

Ito’y matapos sabihan ni Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao si Pangulong Duterte na huwag ipagtanggol ang mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa iregularidad.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi kinukunsinti ng Pangulo ang mga nagta-trabaho sa gobyerno lalo na ang kanyang mga kaibigan na napatunayang sangkot sa korapsyon.

 

Nais lamang aniya ng Pangulo na mayroong malaki at sapat na ebidensya laban sa sinasabing tiwaling opisyal ng pamahalaan.

 

“So, I have personal knowledge na kapag meron naman po talagang datos at katotohanan sa mga paratang ng korapsyon, ang Presidente, hindi po pinipikit ang kaniyang mga mata ,” ayon kay Sec. Roque.

 

Nauna rito, sinabihan ni Pacquiao si Pangulong Duterte na huwag maging “too defensive” pagdating sa mga opisyal ng pamahalaan na nabahiran ng korapsyon.

 

Ang pahayag na ito ng senador ay matapos na makailang ulit na idepensa ni Pangulong Duterte si Health Secretary Francisco Duque na nasa hotseat ngayon dahil sa natuklasang ” deficiencies” ng Commission on Audit sa paghawak ng DoH sa COVID-19 funds.

 

Giit naman ni Sec.Roque, wala ni isa man sa mga opisyal ng gobyerno ang nakatatanggap ng “preferential treatment” mula sa Punong Ehekutibo.

 

“Wala kay Presidente kung malapit ka sa kanya eh ,” anito.

 

Aniya, ang kaso ni Duque ay iba dahil wala pang pruweba na magpapatunay na sangkot sa korapsyon ang Kalihim.

 

Samantala, matatandaang sinabi ng Pangulo na hindi niya sisibakin sa puwesto si Duque subalit papayagan niya itong umalis ng puwesto kung kusang-loob na magbibitiw. (Daris Jose)

Other News
  • Simmons sinuspendi ng 1 laro ng 76ers

    Sinuspendi ng Philadelphia 76ers ng isang laro si Ben Simmons dahil sa hindi pagkakaintindihan ng kapwa manlalaro nila.     Dahil dito ay hindi makakapaglaro si Simmons sa pagharap ng koponan laban sa New Orleans Pelicans.     Sinabi Sixers coach Doc Rivers na may ibang manlalaro pa na papalit sa puwesto ni Simmons.   […]

  • DAR, gagamitin ang P10-B para maabot ang ‘dignified goals’ para sa mga magsasaka ni PBBM

    ALINSUNOD sa naging direktiba ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na ipamahagi ang mga lupain  ng libre at paigtingin ang probisyon ng “support services” sa mga magsasaka, pinangunahan ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang 150th meeting ng Presidential Agrarian Reform Council Executive Committee (PARC ExCom), araw ng Biyernes, Oktubre 28.     “I […]

  • PBA nakaabang sa bagong quarantine restrictions

    Panibagong paghihintay na naman ang gagawin ng PBA upang makapag-ensayo sa loob ng NCR plus bubble at ang planong masimulan ang Season 46 Philippine Cup sa susunod na buwan.     Hihintayin pa ng PBA ang bagong Joint Admi­nistrative Order mula sa GAB, DOH at PSC para sa guidelines ng training resumption sa NCR plus […]