• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, hindi madadamay sa Senate probe sa Pharmally – Roque

KUMPIYANSA ang Malakanyang na hindi madadamay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nagpapatuloy na Senate investigation ukol sa ginawang pagbili ng gobyerno sa P8 bilyong halaga ng medical supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

 

“Absolutely not. Wala naman po silang ebidensya na nakukuhang may overpriced,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque nang tanungin kung ang imbestigasyon ay patungo sa pagdamay kay Pangulong Duterte.

 

“Anong maili-link kay Presidente? Ingay lang po. Desperado manalo sa eleksiyon,”dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Inamin ni Pharmally director Linconn Ong sa Senate probe na ang kompanya ay nangutang mula kay Michael Yang, dating economic affairs adviser ni Pangulong Duterte.

 

Noong nakaraang linggo, inamin din ni Pharmally official Krizle Mago na ang pinapakialaman ng mga empleyado ng Pharmally ang expiry dates ng face shield para sa health workers na binili sa kanila ng gobyerno.

 

Sinabi ni Sec. Roque na ang pag-amin ay hindi sapat para patunayan na ang ginawang pagbili ng pamahalaan ng medical supplies mula sa Pharmally ay irregular.

 

“This needs to be substantiated with physical evidence,” ani Sec. Roque sabay sabing “talk is cheap.”

 

Gayunman, hindi naman sinabi ni Sec. Roque kung magsasagawa ng imbesigasyon ang Justice department.

 

“It is up for them (Department of Justice) to decide,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, bago pa umamin si Mago, isang unidentified Pharmally warehouse worker ang nag-testify sa Senate blue ribbon committee na pinapalitan nila ang expiry dates ng face shields base sa utos ni Mago.

 

At nang tanungin ni Senador Richard Gordon “if that was the case and if Pharmally is swindling the government, ang sagot ni Mago ay “I believe so that is the case, Mr. Chair.”

 

Ani Mago, tumanggap lamang siya ng utos mula kay Pharmally corporate secretary at treasurer Mohit Dargani, subalit mariing itinanggi naman ng huli ang nasabin alegasyon.

 

Samantala, sinabi ni Sec. Roque na patuloy na ipagtatanggol ng Pangulo ang legalidad ng Pharmally purchases sa kanyang regular Talk to the People address.

 

“The President will continue to answer these matters as a matter of discourse between two independent branches of government. Hindi masama ito,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • Ibinahagi rin ang istorya sa likod ng ‘Nutribun’… Senator IMEE, ginunita ang 105th birth anniversary ng kanyang ama

    IPINAGDIWANG at ginunita ni Senator Imee Marcos noong September 11 ang 105th birthday ng ama at dating Pangulo na si Ferdinand E. Marcos sa dalawang bagong vlog entries na eere sa kanyang opisyal na YouTube Channel ngayong weekend.     Ngayong Setyembre 16, ibabahagi ni Imee ang mga eksklusibong video clips ng katatapos lamang na […]

  • 19 katao patay matapos pagbabarilin sa Mexico

    NASA 19 katao ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin sa central Mexico.     Ayon sa State Attorney General’s Office, na agad nilang nirespondehan ng mga kapulisan ang tawag na mayroong bariliang naganap.     Pagdating ng mga kapulisan ay lumantad ang 19 na bangkay.     Karamihan sa mga biktima ay dumalo sa […]

  • Comelec nanawagan: Magparehistro na bago Enero 31

    MULING umapela ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na gawin ang lahat ng magagamit na paraan para makapagparehistro para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre ng taong ito, sa isang linggong nalalabi ng voter’s registration.     Ani Comelec spokesman Rex Laudiangco, ng mga kwalipikadong botante ay maari namang magpatala sa […]