• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, hindi papayagan na makapag-operate ang ABS-CBN

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya papayagan na mag-operate ang ABS-CBN kahit pa bigyan ng Kongreso ng bagong prangkisa ang Lopez-owned network.

 

Ang katwiran ng Pangulo, kailangan munang bayaran ng Lopezes ang kanilang buwis bago ipilit na makapag-operate.

 

Malaking kalokohan aniya na kaagad na payagan ng Kongreso ang network na makapag- operate nang hindi man lamang binabayaran ang obligasyon nitong buwis sa gobyerno.

 

“It’s like you gave them a prize for committing a crime,” diing pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Plano kasi ng Kongreso na ibalik ang prangkisa ng Lopezes na para sa Pangulo ay wala naman siyang problema kung nais ng Kogreso na ibalik ang operasyon ng ABS-CBN.

 

“But if you say that they can operate if they already have it, no. I will not allow them. I will not allow the NTC to grant them the permit to operate,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi na ang tinutukoy ay ang National Telecommunications Commission.

 

“Unless in a deal, the Lopezes would pay their taxes, I will not — I will ignore your franchise, and I will not give them the license to operate,” dagdag na pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Flood control project ng MMDA nakumpleto na

    NATAPOS na ngayong taon ang kabuuang proyekto sa flood control ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na una nang binanggit ng Commission on Audit (COA) na naantala noong 2021.     Ipinaliwanag ni Engineer Baltazar Melgar, pinuno ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO), at kasalukuyang officer-in-charge ng MMDA, ang naka-program na 59 […]

  • NCR, nananatili sa ilalim ng GCQ- Roque

    INIREKOMENDA at inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Community Quarantine Classifications para sa iba’t ibang lugar sa bansa para sa mga nananatiling mga araw ng buwan ng Hulyo.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ay ang National Capital Region, Baguio City […]

  • Ads August 9, 2024