PDu30, hindi pisikal na makakasama sa pangangampanya ng mga senatorial bets
- Published on February 21, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI pisikal na makakasama si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pangangampanya ng kanyang mga inendorsong kandidato sa pagka-senador para sa May 9 elections.
Ang katwiran ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay “there are no official entries set yet in his calendar.”
Sa kasalukuyan, ang Pangulo ay abala sa kanyang trabaho.
“Okay naman si Pangulo busy with work. But with regard to physically joining mga senatorial candidates ay wala pong official entries in his official calendar to that effect,” ani Nograles.
Suportado naman ni Pangulong Duterte ang senatorial bids nina dating chief presidential legal counsel Salvador Panelo, dating senador JV Ejercito, at dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairperson Greco Belgica.
Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nage-endorso ang Pangulo ng kahit na sinumang presidential candidate para sa nalalapit na halalan sa bansa.
“Well, balikan natin ‘no iyong sinabi ni Pangulo in his previous ‘Talk to the People’ address and I quote: ‘At this time, I am saying that I am not supporting anybody unless there is a compelling reason really for me to change my mind and decide to support a candidate.’ So, so far, ganoon pa rin po ang stand ni Pangulo ,” ayon kay Nograles. (Daris Jose)
-
DOJ ibinaba ang piyansa ng mahihirap na preso para ‘patas,’ ‘batay sa kakayahan’
IPINAG-UTOS ng Department of Justice sa mga piskal na ibaba ang piyansang inirerekomenda para sa pansamantalang kalayaan sa mga mahihirap na isinasakdal sa kasong kriminal upang lalong mapaluwag ang mga kulungan. Ito ang nasasaad sa Department Circular 11 ng Kagawaran ng Katarungan na siyang nilagdaan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Aniya, alinsunod […]
-
2 TULAK TIMBOG SA P1-MILYON SHABU SA NAVOTAS
NASAMSAM sa dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga ang mahigit P1 milyon halaga ng shabu matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Lean Balauro, 32, (Pusher/listed), at Dave Abila, 25, […]
-
US, Australia at UK sanib puwersa na
Inanunsiyo ni US President Joe Biden ang pagbuo ng AUKUS ang bagong tripartire partnership ng US, Australia at United Kingdom. Ito ay para labanan daw ang banta ng China sa Pacific region. Sa ginawang virtual launching ay nagsalita sina Australian Prime Minister Scott Morrison at British Prime Minister Boris Johnson. […]