• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, humingi ng paumanhin sa publiko

HUMINGI ng  paumanhin si Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte sa publiko sa kanyang naunang desisyon na payagan ang e-sabong operations sa kabila ng mga ulat na lumulubog sa utang ang mga mananaya at dahilan ng pagdukot sa mga sabungero.

 

 

Gaya ng kanyang mga nasabi sa mga nauna niyang talumpati, tinukoy ni Pangulong Duterte ang daang-bilyong piso na kinikita ng pamahalaan mula sa online cockfighting.

 

 

“On e-sabong, I am sorry, I realized it late,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati matapos inspeksyunin ang main campus ng National Academy of Sports na matatagpuan sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

 

 

“It was at P600 million a month, billions in a year because there are a lot of operations. I am very sorry it had to happen,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Matatandaang buwan ng Mayo nang ipatigil ni Pangulong Duterte ang operasyon ng  e-sabong.

 

 

Sinang-ayunan ng Chief Executive  ang rekomendasyon ni Interior Secretary Eduardo Año kaugnay sa social cost na dulot ng e-sabong.

 

 

Subalit bago pa ito, buwan ng Marso at Abril nang  todo-depensa ang Pangulo sa operasyon ng e-sabong  sa katuwirang nakatutulong ito sa gobyerno sa gitna ng ulat na ilang sabungero na ang nawawala.

 

 

Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nareresolba ang  kaso ng mga nawawalang sabungero dahil upang mapilitan ang mga pamilya na mag-alok na ng pabuya para  makapagbibigay impormasyon para sa nawawala nilang kaanak. (Daris Jose)

Other News
  • JANINE at JC, relate na relate sa pinagdaanan ng characters nila sa ‘Dito at Doon’

    TIYAK na marami ang makaka-relate sa napapanahong pelikula ng TBA Studios na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at JC Santos, ang Dito At Doon na mula sa mahusay na direksyon ni JP Habac.     Sa pamamagitan ng online press screening, isa kami sa unang nakapanood ng lockdown movie na mula sa panulat nina Alexandra Gonzales […]

  • Pag-akyat sa Alert Level 4, posible-Nograles

    SINABI ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na posibleng itaas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang alert level sa mga lalawigan at lungsod dahil patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) cases.     Ito’y kapag dumating na sa puntong tumama na ang […]

  • Dahil sa kinanselang iskedyul ng pagdinig sa war on drugs: Digong Duterte, pupunta pa rin ng Kongreso para harapin ang mga miyembro ng Quad comm

    TINIYAK ni dating presidential legal counsel Salvador Panelo na tuloy ang pagpunta nila ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte, araw ng Miyerkules, Nobyembre 13 sa Batasang Pambansa.   Kokomprontahin kasi ni dating Pangulong Duterte ang mga miyembro ng Quad Committee dahil sa ginawang pagkansela ng mga ito sa 10am scheduled hearing ukol sa war […]