PDU30, ibinahagi sa ASEAN na masyado nang bugbog ang Pilipinas sa kalamidad dahil sa climate change…
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
MARIING Iginiit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang pagkakaisa para matugunan ang peligrong idinudulot ng mga kalamidad bunga na rin ng climate change.
Sinabi ng Pangulo sa Plenary Session hinggil sa isinagawang 37th ASEAN Summit, na masyado nang bugbog ang Pilipinas sa sunud- sunod na mga delubyong dulot ng bagyo na ang iniwan ay grabeng pinsala sa komunidad.
Importante rin na magkaroon ng nagkakaisang tinig para hingin ang aniya’y climate justice laban sa mga responsable at may kinalaman sa paglala ng climate change.
Kaya dapat lamang maihinto na ang paggamit ng carbon emission na karaniwan aniyang nakikita sa hanay ng mga developed countries.
Bukod dito, naibahagi rin naman ng Chief Executive sa kasagsagan ng Summit ang dinaranas ng bansa mula sa lupit ni Ulysses kaya’t matatandaang humingi ito ng permiso na pansamantalang bumitiw at mula doon ay nagbigay ng kanyang public address, nag aerial inspection at bumalik din sa summit. (Daris Jose)
-
Pamamahagi ng ayuda sa NCR sisimulan ngayong linggo
Maaari nang simulan ngayong linggo ng mga local government units sa Metro Manila ang pamamahagi ng ayuda sa kanilang mga residenteng apektado ng Enhanced Community Quarantine sa buong National Capital Region (NCR), ayon kay Interior Secretary Eduardo Año. Ito ay kung tapos na aniya na makapaghanda ang mga LGUs sa mga kakailanganin nila […]
-
HIRAP ng mga PASAHERO sa PUBLIC TRANSPORT MAAARING MATUGUNAN NG CARPOOLING
Ang hiling ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ay gawing hanggang alas 4 ng umaga na lang ang curfew dahil maraming pasahero ang maagang nasa kalye dahil maaga pumapasok. Isinailalim muli ang Metro Manila sa 10 AM to 5 AM na curfew. mApektado dito ang mga pumapasok sa trabaho na […]
-
40,000 KAPSULA NG ANTI COVID, NAI-DELIVER NA SA MAYNILA
NATANGGAP na ng pamahalaang lungsod ng Manila ang 40,000 kapsula ng anti-Covid drug na Molnupiravir. Ang nasabing gamot para sa COVID-19 ay idiniliber sa Sta.Ana Hospital kung saan mismong si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Aksyon Demokratiko Presidential aspirant ang nanguna sa symbolic turn-over ng ilang kahon ng Molnupiravir sa Manila Covid 19 […]