PDu30, ikakampanya ang mga PDP-Laban bets sa Cebu
- Published on March 31, 2022
- by @peoplesbalita
SA KABILA nang hindi pa inaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang napipisil niya bilang kanyang successor, sasama ang Chief Executive sa mga kandidato ng ruling PDP-Laban party sa serye ng campaign sorties, simula Marso 31.
“That will be the first public appearance of PRRD to endorse the candidacy of PDP-Laban,” ayon kay Cabinet Secretary and PDP-Laban secretary general Melvin Matibag.
Aniya ang event ay gaganapin sa Lapu-Lapu City sa Cebu, itinuturing na “the most vote-rich province” base sa data ng Commission on Elections (Comelec).
“We are planning probably more or less 24 more areas that the President will appear to endorse the senatorial candidates of PDP-Laban and also those candidates who are being endorsed and adopted by PDP-Laban, and the local candidates as well,” dagdag na pahayag ni Matibag.
Noong nakaraang linggo, pormal na inendorso ng PDP-Laban faction na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi at suportado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kandidatura ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., dalawang buwan matapos na ianunsyo nito ang pagsuporta sa kanyang running mate na si presidential daughter and Davao City Mayor Sara Duterte.
Sinabi ng mga opisyal ng partido na ang desisyon nila ay hindi katumbas ng pag-endorso ni Pangulong Duterte, chairman ng partido. Subalit sinabi naman ni dating spokesperson ng Chief Executive, senatorial candidate Salvador Panelo, na hindi na kailangan pang magsalita ng Pangulo sa bagay na ito.
“Sa tingin ko, alam niyo, hindi na kailangan ng hayagang endorsement sapagka’t malinaw naman na sa kanyang mga pahayag, sinasabi niya na ‘yung mga sinulong niyang reporma sa gobyerno ay kailangang maipagpatuloy,” ayon kay Panelo.
“Ibig pong sabihin kung sino ang nanunumpa at nagsusulong ng pagpapatuloy ng pagbabago na sinimulan niya, ‘yun ang kanyang gustong maging presidente. Kung sino ang nanawagan ng pagkakaisa, ‘yun din ang gusto niya sapagka’t siya ho, number one na matagal na, paulit-ulit sinasabi niya, magkaisa na tayo,” dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, sa loob ng Cusi faction, may ilang miyembro nito ang nagpahayag ng kanilang personal preference para sa ibang kandidato.
Gaya na lamang ni Eastern Samar Governor Ben Evardone, party’s vice president for the Visayas, ay inendorso si Vice President Leni Robredo habang si PDP-Laban senatorial candidate at dating Agrarian Reform secretary John Castriciones ay nagpahayag naman ng kanyang pagsuporta kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Sinabi ni Matibag na ang party leadership ay nagpadala ng notices para makipag-usap sa mga ito. (Daris Jose)
-
Itatayong imprastraktura, dapat nang gawing disaster proof- PBBM
DAPAT nang gawing disaster proof ang mga itatayong imprastraktura sa bansa. Ito’y upang matiyak na matatag ang mga imprastrakturang itatayo sa hinaharap. Ani Pangulong Marcos, importanteng maging disaster proof na ang mga bagong gagawing kalye at iba pang gusali gaya ng ospital maging ng mga bahay. Kasama rin aniya […]
-
Thankful na naimbita na maging host ng show: GLAIZA, inaming aware sila sa mga isyu kaya mas nagiging maingat
THANKFUL si Kapuso actress Glaiza de Castro, na naimbita siyang maging isa sa mga hosts ng noontime show na “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc. na napapanood sa GMA-7, Mondays to Saturdays. Ini-enjoy daw niya ang mga ginagawa nila sa show with her co-hosts. “Thankful ako, kasi akala ko, mga isa, o […]
-
“SHAZAM” FIGHTS FOR THE WORLD IN “FURY OF THE GODS” TRAILER
FRESH from the San Diego Comic Con, check out the official trailer for “Shazam! Fury of the Gods” – in cinemas across the Philippines January 8, 2023. YouTube: https://youtu.be/6WCxvXNYVSA Facebook: https://fb.watch/erWsg6auN2/ About “Shazam! Fury of the Gods” From New Line Cinema comes “Shazam! Fury of the Gods,” which continues the story of […]