• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, inakusahan ang Philippine Red Cross na “sablay” sa pagsasagawa ng COVID tests

PINARATANGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Philippine Red Cross na sablay sa pagsasagawa ng COVID-19 tests sa bansa dahil sa makailang ulit na pagkakamali na pagbibigay ng resulta nito.

 

Sa Talk to the People, araw ng Lunes ay isiniwalat ng Pangulo ang 44 hospital personnel, na nadeklarang COVID-19 positive ng Philippine Red Cross matapos ma-swab test, subalit naging “false positives” naman matapos na sumailalim sa confirmatory tests sa ibang molecular laboratory.

 

HIndi naman binanggit ng Pangulo kung saang medical institution nagta-trabaho ang mga nasabing frontliners.

 

Binanggit din ng Chief Executive ang isa pang report kung saan ay mayroong mahigit na 200 personnel ng Presidential Security Group at Department of Finance ang na-diagnosed ng Red Cross na positibo sa Covid 19 subalit nag-negatibo naman matapos ang confirmatory tests.

 

Dahil dito, muling winakwak ng Pangulo si Sen. Richard “Dick” Gordon, chair ng Philippine Red Cross, dahil sa reports ng COVID-19 tests ng organisasyon.

 

“Ang mahirap nito Dick, paano ‘yung mga tao na tumanggap na lang sa PCR test ninyo na positive sila, when all along, negative sila. But because walang pera . . . The meek, unassertive ones pasunod-sunod na lang and had to endure a confinement of two weeks. When all along, tested negative pala sila,” ayon sa Pangulo.

 

“‘Yan ang problema mo sa Red Cross. Problema ka na, problema pa ang Red Cross sa iyo,” dagdag na pahayag nito.

 

Kaya, dapat lamang na imbestigahan ng Department of Health ang reports ng Red Cross sa kanilang COVID-19 tests.

 

“Ilan ‘yung nadagdag dun sa nagpositive sa isang araw … na negative. Nasali na dun sa numero na napakarami … how sure are we now in our figures?” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Uninterrupted’ gov’t services sa Sulu, titiyakin ng administrasyong Marcos-Pangandaman

    TITIYAKIN ng administrasyong Marcos na mananatiling tuloy-tuloy at walang hadlang ang serbisyo ng gobyerno sa lalawigan ng Sulu.   Ito ang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM).   Inihayag ang commitment na ito nang ang Intergovernmental Relations Body (IGRB), binubuo ng mga kinatawan mula sa national at Bangsamoro governments, nagpulong noong Oct. 11 […]

  • Pagpapaliban ng Brgy., SK polls lusot sa 2nd reading ng Senado

    LUSOT na sa ikalawang pagbasa ang Senate Bill 1306 na nagpapaliban ng isang taon sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.     Dalawa lamang sa mga senador ang bumoto ng No sa panukala na sina Senators Koko Pimentel at Risa Hontiveros.     Matapos ang ‘period of interpellation’ ay hindi na sumalang sa committee […]

  • Tom Holland & Daisy Ridley in First Trailer for ‘Chaos Walking’

    IT’S a new sci-fi film from the director of ‘Bourne Identity’ and ‘Edge of Tomorrow’!   The first trailer for the upcoming film Chaos Walking has been released!   Based on The Knife of Never Letting Go by Patrick Ness, this sci-fi film stars MCU’s Tom Holland and Star Wars actress Daisy Ridley.         […]