PDU30, inanunsyo na ang pagreretiro sa pulitika
- Published on October 5, 2021
- by @peoplesbalita
INANUNSYO na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pagreretiro sa pulitika.
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay isinagawa ilang minuto matapos maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Senador Bong Go.
“In obedience to the will of the people who after all placed me in the presidency many years ago I now say sa mga kababayan ko sundin ko ang gusto ninyo and today I announce my retirement from politics,” ayon sa Pangulo.
Sa kabilang dako, nagpaabot naman ng “goodluck” ang Pangulo kay Go.
“First of all, i’d like to wish Senator Bong Go all the best and goodluck in his quest for the vice presidency,” aniya pa rin.
Opisyal nang naghain si Senator Bong Go ng kanyang certificate of candidacy para sa kanyang vice presidential bid sa Eleksyon 2022.
Kasama ni Go si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Naghain ng kanyang COC ang senador bilang vice presidential aspirant ng PDP-Laban.
Bago pa ito, taimtim na nagdasal si Go sa Simbahan ng San Miguel at mga Arkanghel.
Samantala, sinabi ng Malakanyang na malinaw ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi na nito hinahangad na maupo pa sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.
Inanunsyo na kasi ni Pangulong Duterte ang kanyang pagreretiro sa pulitika.
“President Rodrigo Roa Duterte has clearly spoken: He will no longer aspire for the second highest post in the land, bowing to the will of the people, as reflected in the June 2021 Social Weather Stations (SWS) survey which showed contrary opinion for PRRD’s running for the Vice Presidency,” ang paliwanag ni Presidential spokesperson Harry Roque.
Aniya pa, ilalaan na lamang ng Pangulo ang natitira nitong termino sa paggabay sa bansa tungo sa post-COVID-19 recovery.
Bukod dito, para tiyakin ang pamana ng kanyang progama at proyekto at pagpapatuloy ng kanyang reform initiatives, ang Pangulo ay nagpahayag na siya ay “pro-actively campaign” para sa kanyang mga kandidato at siguruhin na ang pagdaraos ng 2022 elections ay magiging malaya, tapat, mapayapa at kapani-paniwala. (Daris Jose)
-
Ads March 9, 2023
-
Sa kanyang reckless tweet: Mayor ISKO, pinakiusapan ng beteranong aktor na si JAIME na umatras na sa laban
TULOY na ang collaboration ng award-winning director na si Joselito ‘Jay’ Altarejos at ang model-turned-producer Marc Cubales sa Finding Daddy Blake, maiden offering ng MC Productions. Direk Jay described Finding Daddy Blake as a BL film pero may kakaibang twist. Ayaw niya magbigay ng detalye. Basta ang pangako niya ay entertaining ang pelikula. […]
-
‘After 10 years: Lakers back in Western Conference finals’
Inabot din ng isang dekada bago nakabalik sa Western Conference finals ang Los Angeles Lakers matapos ilampaso sa Game 5 ang Houston Rockets, 119-96 sa ginanap na laro sa Walt Disney World Complex sa Florida. Mala-halimaw ang pagdomina ng Lakers superstar LeBron James sa laro kung saan ipinoste ang 29 puntos, 11 rebounds at […]