PDu30, inaprubahan ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers
- Published on June 4, 2021
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers na kailangan na pisikal na magreport sa trabaho habang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) period mula Abril 12 hanggang Mayo 14 o Mayo 31.
Sa pamamagitan ng Administrative Order 43, na ipinalabas araw ng Miyerkules, inamiyendahan ni Pangulong Duterte ang AO 26 “which only granted hazard pay to government workers required to physically report on site for their job during the ECQ period.”
Sa ilalim ng ECQ, tanging ang essential trips at operations ng essential businesses at services ang pinapayagan.
Sa ilalim naman ng MECQ, pinapayagan ang essential trips at dina- downscaled naman ang operasyon ng non-essential business at services.
Nakasaad naman sa AO 43, ang budget para sa hazard pay para sa local government unit (LGU) workers ay manggagaling mula sa 2021 local government funds.
Ang Hazard pay para sa government-owned and controlled corporations, sa kabilang dako ay popondohan ng bawat GOCC’s corporate operating budget para sa taong 2021.
“If their respective funds are insufficient, the LGUs and GOCCs are allowed to reduce the ideal amount of P500 per day but it will remain mandated to grant a uniform amount of hazard pay for all qualified personnel, including those under contractual and job order status,” ayon sa AO.
Samantala, ang National Capital Region (NCR) Plus area, itinuturing na epicenter ng COVID-19 pandemic sa bansa ay nasa ilalim ng MECQ mula April 12 hanggang May 14.
Ang NCR Plus area ay kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Ang City of Santiago sa Isabela, Zamboanga City, Quirino, at Ifugao, ay mananatili naman sa ilalim ng MECQ hanggang Mayo 31. (Daris Jose)
-
Riding-in-tandem na walang helmet, buking sa baril sa Malabon
BINITBIT sa selda ang dalawang lalaki nang mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil kapwa walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10054 (Motorcycle Helmet Act of 2009) at RA 10591 (Comprehensive Law on […]
-
Miles Teller Reveals Tom Cruise’s Plans for ‘Top Gun 3’
“TOP Gun 3” could soon be ready for takeoff. Actor Miles Teller has revealed he’s talked with Tom Cruise about filming a third “Top Gun” movie, just days after after the massive success of Top Gun: Maverick, surpassed a staggering $1 billion at the box office. Tom Cruise returned to play […]
-
PNPA, extended ang lockdown
Palalawigin pa ang lockdown na umiiral sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite. Kasunod ito ng panibagong 232 cadets at 11 personnel ng Camp Castañeda na nagpositibo sa COVID-19 test. Ayon kay PNP Academy spokesperson Lieutenant Colonel Byron Allatog, pawang asymptomatic ang mga ito, ngunit kailangan pa ring obserbahan at bigyan […]