• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, inaprubahan ng fourfold increase” ang importasyon ng baboy para idagdag sa kakulangan ng local supply dahil sa ASF outbreaks

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng “fourfold increase” ang importasyon ng baboy para idagdag sa kakulangan ng local supply dahil sa African swine fever outbreaks.

 

Ito’y base sa dokumento na ipinalabas ng Malakanyang.

 

“Fatal to hogs but not to humans, the ASF has spread to 437 municipalities and reduced the country’s swine inventory by 3 million heads or 24.1 percent from last year to 2021,” ang naging pahayag ni Duterte sa ipinalabas nitong Executive Order 133.

 

Ang kakulangan ng baboy ngayong taon ay umaabot sa 388,790 metric tons (MT).

 

Sinabi ng Pangulo na hindi man lamang kumilos ang Kongreso sa kanyang naging kahilingan na taasan ang minimum access volume (MAV) ng karne ng baboy na tumutukoy sa dami ng agricultural product na maaaring angkatin sa mababang taripa.

 

“It is imperative to immediately address the current supply gap in pork meat, to provide consumers with adequate and affordable food, and to lower inflation,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tinaasan ang Minimum Access Volume o MAV ng karne ng baboy. (Daris Jose)

Other News
  • DFA, palalawakin ang e-visa sa India; system test sa China, nagpapatuloy

    NAGHAHANDA na ang Department of Foreign Affairs (DFA) na i-roll out  ang  e-visa sa India matapos na palawakin ang beta system test sa lahat ng foreign service posts (FSPs) sa China.     “Further to the President’s policy directive on the implementation of the e-Visa system, the DFA is preparing to expand e-Visa operations to […]

  • Dahil sa pinost na dalawang diamond rings: KYLIE JENNER, may tsikang kinasal na sa ‘baby daddy’ niya na si TRAVIS SCOTT

    MALAKAS ang bulung-bulungan na kinasal na si Kylie Jenner sa kanyang baby daddy na si Travis Scott.     Sa isang pinost na Instagram Story ng reality show star and cosmetic mogul, makikita ang kanyang left hand na hawak ang isang green Hermes Kelly bag ay may dalawang diamond rings. Isang Cartier Love Ring in […]

  • Bello binakunahan, hinikayat ang nasa priority group na magpabakuna din

    Binakunahan si Labor Secretary Silvestre Bello III ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Ilagan City, Isabela nitong Sabado, ulat ng DOLE regional office 2.     Ang bakuna ay pinangasiwaan ng kawani mula sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC), na siyang tumulong sa labor secretary sa paghahanda at aktwal na pangangasiwa ng bakuna.     Kabilang […]