• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, inatake ang Senado sa ginagawa nitong imbestigasyon ukol sa multibilyong pisong halaga ng COVID-19 pandemic na binili ng Pilipinas

MULING inatake ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Senate blue ribbon committee sa gitna ng isinasagawa nitong imbestigasyon hinggil sa multibilyong pisong halaga ng COVID-19 pandemic na binili ng Pilipinas.

 

Sa kanyang Talk to the People, araw ng Miyerkules, muling kinastigo ni Pangulong Duterte si Senator Richard Gordon, chairman ng nasabing komite at tinawag pa niya itong “adversarial.”

 

“You cannot tell the truth in the Senate. Gordon is adversarial. Tingin sa ‘yo, kalaban ka,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Aniya, kapuwa umaakto si Gordon bilang judge at prosecutor.

 

“Anong totoo ang lalabas diyan,” ani Pangulong Duterte.

 

Para sa Punong Ehekutibo, ang Senate inquiry ay isang uri ng pamumulitika.

 

“Did you see a good law that was able to help the country? What they are doing is politicking,” anito.

 

“We have done so much that the fight cannot be done based on merit,” ayon sa Chief Executive.

 

Kahapon ay nag-isyu na ang Senado ng warrant of arrest laban kina dating presidential economic adviser Michael Yang at limang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.

 

Kinumpirma ito ni Senate President Vicente Sotto III at ipinakita pa sa mga Senate reporter ang kopya ng nilagdaan nitong warrant of arrest laban kina Yang at limang opisyal ng Pharmally.

 

Ang Pharmally ang nakakuha ng P8.6 bilyong kontrata sa gobyerno para sa suplay ng personal protective equipment (PPE), face mask at face shield noong 20220.

 

Bukod kay yang ang mga sumusunod ng opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation executives na inisyuhan ng arrest warrant ay sina: Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Linconn Ong, Krizle Grace Mago at Justine Garado.

 

Una rito, na-cited for contempt gn Senate blue ribbon committee sina Yang at limang opisyal ng Pharmally at inirekomendang isyuhan ng arrest warrant dahil sa pagtangging humarap sa pagdinig ng Senado sa pagbili ng gobyerno sa diumano’y overpriced na COVID-19 equipment. (Daris Jose)

Other News
  • 20% diskuwento sa toll fee para sa seniors

    NAIS  ng isang mambabatas na palawigin pa ang pribelehiyong ibinibigay sa mga senior citizens sa pamamagitan n pagbibigay ng 20% diskuwento sa pagbabayad sa toll fees na sinisinggil sa expressway at skyway.     Sa House Bill 5277, sinabi ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na mabibiyayaan ng 20% na diskuwento ang mga senior citizens […]

  • PBA tatapusin ang elims sa Pampanga

    Target ng PBA ma­nagement na tapusin na muna ang eliminasyon ng PBA Season 46 Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga bago ibalik ang mga laro sa NCR.     Inilagay na sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR simula sa Setyembre 8 hanggang 30.     Kaya naman posibleng bumalik na sa NCR ang liga sa […]

  • Alex Eala sasabak sa unang pagkakataon sa SEA Games

    SASABAK na 31st Southeast Asian Games si Filipina tennis sensation Alex Eala.     Sinabi ng ama ng 16-anyos na tennis star na si Mike na kabilang ang anak nito sa mahigit na 600 atleta na ipapadala ng bansa sa nasabing torneo sa darating na Mayo sa Hanoi, Vietnam.     Naisumite na nito ang […]