• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, inatasan ang FDA na ituloy lamang ang clinical trials sa paggamit ng anti-parasitic drug Ivermectin para sa COVID-19

SINABIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Food and Drug Administration (FDA) na ipagpatuloy lamang nito ang clinical trials sa paggamit ng anti-parasitic drug Ivermectin o bakuna sa bulate para sa COVID-19.

 

Marami kasing tao kabilang na ang mga doktor ang sumusumpa na epektibo ito laban sa Covid-19.

 

Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay tinanong ng Pangulo si FDA Director General Eric Domingo tungkol sa estado ng Ivermectin clinical trials, na ang naging tugon naman ng huli ay sisimulan nila ito ngayong buwan.

 

Sinabi ng Chief Executive na marami siyang naririnig na testimonya mula sa iba’t ibang tao na pinag-uusapan kung paano na ang Ivermectin, orihinal na ginagamit sa mga hayop ay nakatutulong na panlaban sa COVID-19.

 

“There are a lot of credible people, doctors at that, at maraming sibilyan na they swear by their fathers’ graves na ‘yang ivermectin na ‘yan is doing good to their bodies while they are suffering from COVID-19. ‘Yung iba reported that the following day nakatindig na sila,” aniya pa rin.

 

“I’m just telling you, a lot of people, in the province, maraming nagsasabi sa akin na gumaling sila pagkatapos nilang inumin itong bakuna sa bulate,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

 

Giit ng Pangulo na kailangang tiyakin ng pamahalan na ligtas gamitin ang ivermectin para sa tao bago pa ito maging available sa publiko.

 

“And you know, kagaya ko, pareho man tayo, as a lawyer, as a doctor, we have to exercise the greatest of diligence of a good father of a family, ‘yung talagang pinakastriktong daanan before giving it to the public,” aniya pa rin.

 

Ani Pangulong Duterte, makatutulong din kung mapatutunayan ng clinical trials na epektibo ang ivermectin.

 

“So the earlier the studies are completed, whether or not it has the efficacy to fight COVID-19 is important kasi mura at available. And if it can lessen COVID by 50 percent, maganda na yan, sa totoo lang,” ayon sa Pangulo.

 

“Sa akin lang, if there’s an application at may mga clinical studies na kayo. If there is no, kung funding lang, eh di i-fund mo na lang. We can replenish the money later,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Matatandaang, ipinag-utos ng Pangulo ang pagsasagawa ng clinical trials sa anti-parasitic drug, sa kabila ng paunang pag-aalinlangan mula sa mga eksperto.

 

Sinabi ng FDA, na mayoon ng ginagamit na human grade ivermectin.

 

Sa katunayan ay mayroong 3 ospital ang binigyan ng FDA ng compassionate special permits para gamitin ang anti-parasitic drug ivermectin bilang potential treatment para sa COVID-19.

 

Hindi naman inirekomenda ng World Health Organization (WHO) ang paggamit ng Ivermectin sa mga pasyenteng mayroong COVID-19 maliban na lamang para sa clinical trials, dahil sa kakulangan ng data na magpapakita ng benepisyo nito.

 

Ang rekomendasyon ay sinundan naman ng naging babala ng European Medicines Agency’ laban sa Ivermectin.

 

Maging ang US Food and Drug Administration ay inirekOmenda rin ang hindi paggamit ng Ivermectin laban sa COVID-19.

 

Umamin naman ang Merck, ivermectin manufacturer, na lumalabas sa kanilan pagsusuri na hindi suportado ng Ivermectin ang kaligtasan at pagiging epektibonito sa COVID-19.

Other News
  • No unloading incidents sa MRT 3 ngayon tumataas na ang ridership

    WALANG naitalang unloading incidents sa Metro Rail Transit 3 simula pa noong nakaraang taon habang tumataas naman ang bilang ng mga pasahero nito.     “MRT 3 has been hitting more than 350,000 weekday ridership for now beginning May 25 with the highest at 370,276 passengers recorded last June 6 and yet no unloading incidents […]

  • ‘Candyman’ Reboot from Producer Jordan Peele Unveils New Unsettling Trailer

    THE upcoming horror film Candyman from director Nia DaCosta and producer Jordan Peele has just revealed a new trailer.     Watch below: https://www.youtube.com/watch?v=TPBH3XO8YEU     The new horror film centered on a painter becomes obsessed with the urban legend of the hook-handed killer, the Candyman.     Candyman is a reboot of the 1992 film of the […]

  • SENIOR CITIZENS SA NAVOTAS MAKAKATANGGAP NG P1K BIRTHDAY GIFT

    SIMULA ngayong taon, makakatanggap na ng P1,000 birthday gift ang mga rehistradong senior citizen sa Navotas City.     Ito’y matapos i-ananunsyo ni Mayor John Rey Tiangco ang pagtaas ng NavoRegalo sa aktibidad ng Zumba at Health Caravan para kina Lolo at Lola, na bahagi ng 118th Navotas Day celebration.     “We acknowledge the […]