PDU30, inatasan si SolGen Calida na magsumite na ng request letter sa COA para i-audit ang PRC
- Published on September 18, 2021
- by @peoplesbalita
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Solicitor General Jose Calida na kaagad na maghain ng request letter sa Commission on Audit (COA) para agad na masimulan ang pagbulatlat sa financial records ng Philippine Red Cross (PRC).
“The next step would really be the letter to be delivered to the COA by Solicitor General Calida regarding my request to audit the Red Cross,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes.
Nauna rito, sinabi ng Malakanyang na ang pondong ibinayad ng pamahalaan sa PRC para sa pagsasagawa ng COVID-19 tests ay “subject” sa COA audit.
Sinang-ayunan naman ni COA chair Aguinaldo ang naging pahayag na ito ng Pangulo.
Sa pamamagitan ng isang video clip, sinabi rin ni Aguinaldo na kailanman ay walang sinabi ang COA na nagkaroon ng overpricing at ghost deliveries sa medical supplies na syang ipinagpipilitan ng mga senador partikular na ni Philippine Red Cross Chairman at Senador Richard Gordon.
Sa kabilang banda, sinabi ng Pangulo na masaya na rin siya sa isinasagawa ngayong pagdinig ng Kongreso para mailabas ang buong katotohanan.
Naniniwala naman ang Chief executive, in aid of legislation at hindi in aid of election ang gumugulong ngayon na imbestigasyon sa kongreso.
Samantala, tinawag ni Pangulong Duterte na pathological storyteller si Gordon dahil wala itong ginawa kundi dumaldal ng dumaldal sa senate inquiry dahilan kayat hindi na nakakapagsalita at nakakapagpaliwanag ng maayos ang mga inimbitahan nitong resource persons.
“Susmaryosep Gordon hindi mo ako matakot not in a million years. Hindi ako kawatan kagaya mo. Wala akong Red Cross na ginagatasan araw-araw. It’s not my style,” aniya pa rin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Overseas voting sa Shanghai, China on hold pa rin
ON HOLD pa rin ang Overseas voting sa Shanghai, China dahil pa rin sa mga lockdown na ipinaiiral ngayon doon. Sa kabila ito ng unti-unting pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan ay mas mababa na lamang sa 20,000 ang bilang ng ma naitatala sa araw-araw. Inamin ni […]
-
Inamin na may bago nang inspirasyon: Mensahe ni TOM kay CARLA: “I really wish her well”
MAY mensahe si Tom Rodriguez sa dati niyang asawa na si Carla Abellana. Sa recent na guesting kasi ni Tom sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ay tinanong ni Kuya Boy si Tom kung ano ang ipinagdarasal niya para kay Carla. “I really wish her well. “Everyone of us […]
-
Naka-experience na ng kanyang first mammogram: BB, matagal nang walang contact at may sama ng loob sa pamilya
SA unang pagkakataon ay naka-experience na ang transwoman na si BB Gandanghari ng first mammogram niya. Ang mammogram ay ang pag-examine sa women’s breasts for early detection of cancer. Limang taon nang kinikilala bilang babae si BB sa Amerika kaya required sa kanyang physical exam ang magpa-mammogram para sa kanyang insurance […]