• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30 inutos ang paggamit ng digital payments sa gobyerno

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng departamento at ahensiya ng gobyerno ang paggamit ng digital payment services.

 

 

Sa Executive Order 170 na nilagdaan ni Duterte noong Mayo 12, nakasaad na nakita ang mga benepisyo ng digital payment services sa iba’t ibang sektor sa kasagsagan ng COVID-19.

 

 

Nakasaad sa EO na naging mabilis, convenient, secure at transparent ang paggamit ng digital payment services.

 

 

Sa ilalim ng EO, lahat ng departmento, ahensiya, at instrumentalities ng gobyerno kabilang ang mga state universities at colleges, government-owned-or-controlled corporations, at maging ang mga local government units (LGUs) ay inaatasan na gamitin ang digital payments para sa kanilang disbursements at collections.

 

 

Lahat ng mga ahensiya na sakop sa EO ay dapat ipatupad ang ligtas at maayos na digital disbursement sa pagbabayad ng goods, services, at iba pang disbursements, kabilang ang pamamahagi ng pinansiyal na tulong, suweldo, allowances at iba pang bayarin sa mga empleyado.

 

 

Para sa koleksiyon ng gobyerno, lahat ng kinauukulang ahensiya ay dapat mag alok ng digital mode para sa pagbabayad ng buwis, fees, tolls st iba pang dapat kolektahin.

 

 

Nakasaad sa EO na hindi pa naman tuluyang isinasara ang pagtanggap ng cash at iba pang tradisyunal na paraan nang pagbabayad.

Other News
  • Assistant Coach ng Magnolia na si Johnny Abarrientos, magmumulta ng P10K

    Pinatawan ng P10,000 na multa ng Philippine Basketball Association (PBA) si Magnolia Hotshots assitant coach Johnny Abarrientos.   Ito ay matapos na magsenyas ng middle finger kay Converge import Jamal Franklin sa laro nila nitong Linggo.   Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial na kanilang nakausap ang dating PBA player at pinagsisihan niya ang kaniyang […]

  • Nagbawas at nagdagdag para maging relevant at fresh: MICHAEL V., kinausap ang mga natsugi sa ‘Bubble Gang’ para ‘di sumama ang loob

    SA pag-launch ng bagong Bubble Gang sa May 27, hindi na makakasama sa latest reformat ng show sina Mikoy Morales, Denise Barbacena, Liezel Lopez, Arra San Agustin, Lovely Abella, Ashley Rivera, Diego Llorico, Myka Flores at ang isa sa pioneer cast member na si Antonio Aquitania.     Ayon kay Michael V., ginawa raw nila […]

  • Alex Eala pasok na sa 3rd round ng US Open Junior Tennis

    UMUSAD  na sa 3rd round ng US Open Junior Tennis Championship si Alexandra “Alex” Eala.     Ito ay matapos na talunin niya si Nina Vargova ng Slovakia sa score na 6-2, 6-3.     Hindi hinayaan ni Eala na makalusot pa ang Slovakian player kung saan dominado niya ang laro.     Susunod na […]