• April 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30 kay Robredo sa isyu ng VFA: Wala ka sigurong alam!

“WALA ka sigurong alam!”

 

Ito ang buweltang tugon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraang ihalintulad ni Vice-President Leni Robredo sa pangingikil ang paghingi niya (Pangulong Duterte) ng bayad mula sa US para sa pagpapatuloy ng mga aktibidad sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA).

 

Sinabi kasi ni Robredo na parang gawain lamang ito ng isang kriminal.

 

Ibinunyag ni Pangulong Duterte na unti-unti nang pinalalakas ng Amerika ang base nito sa Subic.

 

Iginiit niya bilang mensahe kay Robredo na maraming armas na ang nakalagay sa Pilipinas ang Amerika at unti-unti nang naco-convert ang Subic sa isang American base.

 

“Alam mo ba ma’am, as President do you know there are so many depot, maraming armas dito na nakalagay sa Pilipinas ang Amerika. Do you know they are slowly converting Subic into an American base,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

 

“Wala ka sigurong alam.  These are things knows to us because I have reports and assessment given to me by the AFP (Armed Forces of the Philippines). Ang unang tatamaan kung nagkagiyera ang Amerikano sa Pilipinas, alam mo, the meltdown will start in Palawan, it’s the province facing Spratly,” anito.

 

Ayon pa sa Pangulo, “In worst case scenario, kung may isang gago dyan na magpaputok ng rocket gulo na yan, and the Philippines will be drawn into the vortex of the conflict that is called war.”

 

Ipinamukha nito kay Robredo na nakasaad sa 1987 Constitution “provides that foreign relations or foreign policy is vested on the president alone.”

 

“She’s (Robredo) a lawyer and she forgets that the Constitution says that is my function, it is not their function at kung ano ang gusto kong sabihin para sa bayan may purpose ‘yan,” anito.

 

Aniya pa, bumili ng armas ang Pilipinas sa Estados Unidos kung saa bumilang naman ng maraming taon bago naideliver sa bansa ang nasabing nabiling armas.

 

Bukod dito, tinanggihan ng US Congress ang kahilingan ng Pilipinas na bumili ito ng mga helicopter.

 

“Tayo malapit sa China, the theater of war. Kung mag-umpisa man (ang gera) is dito sa (South) China Sea. Pinipilit natin na Amerikano, tayo, we should be provided with the arms and armaments that would at least place us on equal footing with those in war with us. Iyong Amerikano, wala namang binibigay,” paliwanag ng Pangulo.

 

“I have talked with some Americans, sabi nila ‘yung war games, it’s coming in May. Ang mga Amerikano, nagdala ng armas, mag-display sila, tinuturuan nila ang Pilipino pa’no gumamit during war games and then after that they go home and bring back their equipment – iyan ang lamentations ng Pilipino, yan ang hindi alam ni Robredo,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Sinabi ng Pangulo na walang alam ang bise presidente sa mga nangyayari, dahil ang mga nabanggit niya ay galing sa mga ulat at assessment ng Armed Forces of the Philippines.

 

“Pagkaalam ni Robredo, nothing’s wrong with America and the Philippines. Ikaw ma’am, I’m sorry to say you are not really qualified to run for president, you do not know your role in this government,” ayon sa Pangulo.

 

Dahil dito, kumbinsio si Pangulong Duterte a na walang kakayahan si Robredo na maging isang Pangulo base sa mga nasabi nitong komento tungkol sa VFA. (Daris Jose)

Other News
  • Ads October 3, 2022

  • 24/7 BI ONE-STOP-SHOP OFFICE, PINASINAYAAN

    PINASINAYAAN ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang bagong 24/7 One-stop-shop na tanggapan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).     Ang kanilang bagong tanggapan ay matatagpuan sa ikatlong level, Government Clearing Center ng NAIA Terminal 3  na nagseserbisyo sa mga dayuhang pasahero  na nangangailangan ng visa extension at exit clearances.     Pinangunahan ni  […]

  • Dahil sa kakaibang husay sa pag-arte… ROYCE, umani ng mga papuri mula sa veteran cast ng ‘Makiling’

    MULA nang magsimula noong 2024 bilang opening salvo ng GMA Public Affairs, ang revenge drama na ‘Makiling’ ay nabighani ng mga manonood sa bawat episode, at sa mga teaser nito na nakakuha ng milyun-milyong view online. Ang lead actress nito, Sultry Leading Lady Elle Villanueva, ay binihag ang madla sa kanyang kagandahan at epektibong paglalarawan […]