PDU30, kinastigo si Gordon nang tawagin siyang “cheap politician”
- Published on September 24, 2021
- by @peoplesbalita
KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senador Richard Gordon matapos siyang tawagin nitong “cheap politician” sa gitna ng patuloy na pagdepensa ng Chief Executive sa emergency purchases na may kinalaman sa COVID-19 pandemic.
Sa kanyang Talk to the People, inulit ng Pangulo ang kanyang akusasyon laban kay Gordon na ginagamit ang Philippine Red Cross (PRC) bilang kanyang “milking cow” habang nagseserbisyo sa pamahalaan.
Si Gordon ay chairperson ng premier humanitarian organization sa bansa.
“Sabihin mo ‘cheap.’ Well, ako naman sinasabi ko you are a person who milked the government and the Red Cross both, because you sign for the Red Cross, you sign for the government,” ayon sa Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na ang mukha ni Gordon ay nakadikit sa lahat ng ambulansiya ng PRC.
“Actually it’s a cheap political gimmick,” ani Pangulong Duterte.
“And I’m wondering why ako na ngayon ang naging cheap politician na itong isang bright boy sa Olongapo, iyong mukha niya, iyong mga ambulansya niya, nandiyan ‘yung mukha niya. Hindi naman siya pangit. Medyo tisoy nga,” dagdag na pahayag nito.
Kamakailan, tinawagan ng pansin ni Gordon si Pangulong Duterte para sa pagtatnggol nito sa mga indibiduwal na sangkot sa di umano’y overpriced medical supplies na binili ng pamahalaan noong nakaraang taon.
Ang kontrobersiyang ito ay tinitingnan na ng Senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Gordon.
Inilarawan din ng senador si Pangulong Dutrete bilang “bully”.
“Bakit kita takutin? Totoo ba hinahamon mo ako ng suntukan? Susmaryosep. Hindi ka nga siguro makaikot ng one round. You are getting to be preposterous,” ani Pangulong Duterte. (Daris Jose)
-
Hipon Girl, ire-repackage ni Wilbert para gawing ‘beauty queen’
BUKOD kay Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz, pasok na rin si Herlene ‘Hipon Girl’ Budol sa lumalaking pamilya ng businessman/vlogger/internet personality na si KaFreshness Wilbert Tolentino. Pumirma na si Hipon Girl, kaya si Wilbert na ang kanyang official business manager, following the footsteps of the popular online seller and PBB housemate Madam Inutz […]
-
Tanza Marine Tree Park clean-up
PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang sama-samang paglilini sa Tanza Marine Tree Park, Navotas CIty. Hinihikayat din ng punong lungsod ang mga Navoteño na makilahok sa International Coastal Clean Up sa September 21, 2024 sa Barangay BBN Coastal, pati na sa Tanza Marine Tree Park. (Richard Mesa)
-
Excited nang maipalabas ang nakaka-inspire na serye: ASHLEY, hinangaan si XIAN sa effort at dedikasyon para matutong mag-ice skate
PAREHONG excited na sina Ashley Ortega at Xian Lim na mapanood ng lahat ang unang seryeng pagtatambalan nila, ang Hearts On Ice. Sumabak sila sa matinding training sa ice rink sina Ashley at Xian bilang paghahanda sa kanilang mga karakter sa kauna-unahang ice-skating drama series ng bansa. Kahit dati ng isang competitive figure skater, nag-training ang aktres […]