PDu30, magpapartisipa sa online meeting ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders sa Nov. 20
- Published on November 18, 2020
- by @peoplesbalita
MAGPAPARTISIPA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa online meeting ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders sa darating na Biyernes, Nobyembre 20 habang ang mundo ay nakikipaglaban sa economic fallout sanhi ng COVID-19 pandemic.
Ito ang magiging kauna-unahan na ang APEC Economic Leaders’ Meeting ay gagawin “virtually.”
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang summit para sa taong ito ay magkakaroon ng dalawang session.
Inaasahan na ilulunsad habang isinagawa ang forum, ang bagong vision na magsisilbing gabay ng 21 Pacific Rim economies sa mga darating na taon, ayon sa bansang Malaysia na siyang host ngayong taon.
Matatandaang, kinansela ang nakaraang summit sa Chile dahil sa marahas na protesta sa South American country.
Samantala, noong nakaraang linggo ay lumahok si Pangulong Duterte sa virtual conference ng 37th Association of Southeast Nations (ASEAN) Summit and Related Summits kung saan ay tinalakay niya ang “deepening regional integration and strengthening supply chain connectivity.”
Hinikayat ng Pangulo ang mga lider ng Southeast Asian countries na makipagtulungan para matiyak na ang kanilang mga mamamayan ay magkakaroon ng access sa COVID-19 vaccines.
Nakisali rin si Pangulong Duterte sa isang open dialogue na nananawagan ng “enhanced multilateralism on COVID-19 pandemic response and recovery, climate action, and peace and security issues” sa Asia Pacific, partikular na sa pinagtatalunang South China Sea . (DARIS JOSE)
-
Cool muna tayo- Sec. Roque
PINAYUHAN ng Malakanyang ang publiko na manatiling kalmado at mangyaring hintayin na lamang ang pinal na report ng Commission on Audit (COA) matapos mapaulat na nakitaan ng komisyon ng ilang umano’y kakulangan sa tamang panghawak ng Department of Health (DoH) sa pondo para sa pandemya. “‘Yung mga initial observation, nasasagot po iyan ng mga ahensiya . […]
-
DepEd, nire-require ang mga hindi bakunadong guro, personnel na magpakita ng negatibong COVID test results habang may onsite reporting
KAILANGAN munang magpakita ang mga unvaccinated teaching at non-teaching personnel ng negatibong resulta ng coronavirus test bago pa payagan ang mga ito na makapasok sa school premises para sa onsite reporting. Sa pagsisimula ng rollout ng expansion phase ng limited face-to-face classes ngayong buwan, pinaalala ng DepEd sa mga guro at iba pang […]
-
Durant nagtala ng 26-pts sa panalo ng Nets kahit wala pa si Harden at Irving
Mistulang pasalubong ang bagong panalo ng Brooklyn Nets sa bago nilang teammate na si James Harden na lumipat mula sa Houston Rockets. Nanguna sa kanyang all-around game si Kevin Durant na may 26 points upang itala ng Brooklyn ang ikapitong panalo sa kabila na siyam lamang silang mga players. Para naman sa Knicks […]