PDu30, magpapartisipa sa online meeting ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders sa Nov. 20
- Published on November 18, 2020
- by @peoplesbalita
MAGPAPARTISIPA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa online meeting ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders sa darating na Biyernes, Nobyembre 20 habang ang mundo ay nakikipaglaban sa economic fallout sanhi ng COVID-19 pandemic.
Ito ang magiging kauna-unahan na ang APEC Economic Leaders’ Meeting ay gagawin “virtually.”
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang summit para sa taong ito ay magkakaroon ng dalawang session.
Inaasahan na ilulunsad habang isinagawa ang forum, ang bagong vision na magsisilbing gabay ng 21 Pacific Rim economies sa mga darating na taon, ayon sa bansang Malaysia na siyang host ngayong taon.
Matatandaang, kinansela ang nakaraang summit sa Chile dahil sa marahas na protesta sa South American country.
Samantala, noong nakaraang linggo ay lumahok si Pangulong Duterte sa virtual conference ng 37th Association of Southeast Nations (ASEAN) Summit and Related Summits kung saan ay tinalakay niya ang “deepening regional integration and strengthening supply chain connectivity.”
Hinikayat ng Pangulo ang mga lider ng Southeast Asian countries na makipagtulungan para matiyak na ang kanilang mga mamamayan ay magkakaroon ng access sa COVID-19 vaccines.
Nakisali rin si Pangulong Duterte sa isang open dialogue na nananawagan ng “enhanced multilateralism on COVID-19 pandemic response and recovery, climate action, and peace and security issues” sa Asia Pacific, partikular na sa pinagtatalunang South China Sea . (DARIS JOSE)
-
KYLIE at ANDREA, naniniwala na importante ang ‘trust and respect’ sa isang relasyon; social media celebrity couple sa rom-com series sa ‘BetCin’
MAGSISIMULA na ang newest WeTV Original rom-com series na BetCin sa WeTV ngayong Oktubre 15 sa ganap na ika-walo nang gabi. Gaganap bilang social media celebrity couple sina Kylie Padilla at Andrea Torres na tila may halos perpektong relasyon, pagdating sa online. Sa likod ng mga filtered posts, hindi ganoon kadali […]
-
Ads November 29, 2021
-
Biden ipinagmalaki ang pagkapatay ng US forces sa lider ng Islamic State sa Syria
IPINAGMALAKI ni US President Joe Biden na napatay ng mga sundalo ng America ang lider ng Islamic State sa Syria. Kinumpirma ng isang senior US administration official ang pagkasawi ni Abu Ibrahim al-Hashemi al-Quraishi sa isang operation. Umabot rin sa 13 mga katao ang nadamay sa operation na kinabibilangan ng mga […]