PDU30, magsasalita sa UN General Assembly debate bukas, Setyembre 21
- Published on September 21, 2021
- by @peoplesbalita
INAASAHAN na magsasalita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa United Nations (UN) at isulong ang posisyon ng bansa sa mga usapin na may kinalaman sa pagtugon ng gobyerno ng Pilipinas sa coronavirus (COVID-19) at human rights.
Ayon sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, magsasalita ang Pangulo sa unang araw ng High-Level General Debate ng 76th Session of the United Nations General Assembly (UNGA) bukas, Setyembe 21.
Nakatakda itong magsalita sa international community, araw ng Martes, Setyembre 21, sa loob ng “1600H-1800H window,” New York time, o sa pagitan ng alas- 4 ng madaling araw hanggang alas-6 ng umaga, Setyembre 22, Manila time.
Ayon sa Malakanyang, isusulong ni Pangulong Duterte ang interest ng Pilipinas sa mga isyu na may kinalaman sa access sa COVID-19 vaccines na itinaguyod niya simula nang sumipa ang pandemiya.
“President Duterte will advance Philippine positions on global issues of key concern, such as universal access to COVID-19 vaccines, climate change, human rights, including the situation of migrant workers and refugees, and international and regional security developments,” ayon sa Malakanyang.
Ang United Nations General Assembly ay ang pangunahing deliberating organ ng UN kung saan ang lahat ng 193 Member States ay may kinatawan.
Ang tema ng sesyon ngayong taon ay “Building resilience through hope – to recover from COVID-19, rebuild sustainably, respond to the needs of the planet, respect the rights of people, and revitalize the United Nations.”
Ang High-Level General Debate ay pamumunuan ni Abdulla Shahid, Minister of Foreign Affairs ng Maldives, at incoming President ng 76th UNGA.
“This year’s session will follow a hybrid format of in-person and virtual attendance of delegates, in view of the evolving situation due to the COVID-19 pandemic,” ayon sa kalatas ng Malakanyang.
Samantala, matatandaang pinuri si Pangulong Duterte sa kanyang “first address” sa UN noong nakaraang taon. TInalakay ng Pangulo ang arbitral win ng Pilipinas sa West Philippine Sea at pagtanggi sa tangka paghinain ang nasabing award. (Daris Jose)
-
DOTr: Drivers at operators ng mga PUVs dapat sumunod sa seryosong paglilinis ng mga sasakyan
Muling umapela ang Department of Transportation (DOTr) sa mga operators at drivers ng mga public utility vehicles (PUVs) na seryosong maglinis o mag disinfect ng mga kanilang mga sasakyan. Hiniling ito ng DOTr matapos na mahuli at makita sa isang video ang tauhan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) na mabilis lamang […]
-
PGH director nagbabala dahil posible ang ‘surge’ ng Covid-19 sa Enero
Umapela ang direktor ng Philippine General Hospital (UP-PGH) sa mga kapwa pagamutan na ngayon pa lang ay paghandaan na ang inaasahang pagdating ng mga pasyente pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon. “Hindi dapat magpabaya at maging overconfident,” ani Dr. Gerardo Legaspi sa isang media forum. Pahayag ito ng opisyal kasunod ng anunsyo ng […]
-
Latest survey ng SWS, ikinatuwa ng Malakanyang
NAKAPAGBIBIGAY ng lakas ng loob sa mga filipino ang resulta ng bagong Social Weather Survey (SWS) na nagpapakita ng pagbaba ng vaccine hesitancy at skepticism o pag-aalinlangan. Napaulat kasi ang patuloy na ang pagbaba ng mga nag-aalinlangan na magpabakuna laban sa COVID-19. Sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, walong […]