PDu30, malabong ma-impeach -Sec. Roque
- Published on May 13, 2021
- by @peoplesbalita
MALABONG ma-impeach si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at mapatalsik sa kanyang posisyon dahil lamang sa kanyang polisiya sa West Philippine Sea (WPS).
Pinalagan ni Presidential Spokesman Harry Roque ang alegasyon ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na ang Pangulo ay nakagawa ng “betrayal of public trust and national interest” dahil sa kanyang posisyon sa maritime conflict.
Para kay Sec. Roque, nagpapapansin lang si Carpio.
Nauna rito, sinabi kasi ni Carpio na ang aksyon ni Pangulong Duterte sa WPS ay maikukunsiderang isang impeachable offense.
“Alam ninyo ang taong bago sa pulitika sasabihin ang lahat para mapansin and this is yet another instance of Justice Carpio saying things just for the attention,” ang pahayag ni Sec. Roque.
“Bakit betrayal of public trust? Mayroon nawala bang teritoryo sa administrasyon ni Pangulo Duterte? Wala. May binigay ba siyang teritoryo sa Tsina? Wala,” aniya pa rin.
Iginiit pa ni Sec. Roque na ang polisiya ng Pangulo sa pagsusulong sa iba pang aspeto ng kooperasyon sa China gaya ng trade and investments na naging dahilan para mabinbin ang resolusyon ng territorial conflict ay hindi impeachable offense.
“Ang totoo niyan it is not just because it is a numbers game, It is because it is utterly bereft of merit because the President is the sole architect, primary architect of foreign policy,” anito.
Kung naniniwala si Carpio na nilabag ng Pangulo ang batas sa kanyang naging posisyon sa West Philippine Sea stance, sinabi ni Sec. Roque na maaaring dalhin ni Carpio ang kasong ito sa Korte Suprema.
Ang impeachment laban sa Pangulo ay “not only the remedy,” lalo pa’t ang kahit na sinumang ordinaryong mamamayan ay maaaring maghain ng reklamo sa Korte Suprema.
“File the suit pursuant to your standing as a citizen,” ang sinabi ni Sec. Roque kay Carpio. (Daris Jose)
-
Mga gamot sa diabetes, cancer, TB at iba pa, tinanggalan ng VAT
NAGLABAS ng kautusan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa hindi pagsingil ng value-added tax (VAT) sa ilang gamot para sa cancer, diabetes, hypertension, sakit sa bato, sakit sa pag-iisip, at tuberculosis. Sinabi ni BIR Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui Jr. na naglabas ito ng Revenue Memorandum Circular No. 17-2024 na nag-eexempt […]
-
Australia at New Zealand napiling host ng 2023 Women’s World Cup
Napili ng FIFA ang Australia at New Zealand na maging co-host ng 2023 Women’s World Cup. Ito ang ay base sa ginawang botohan ng FIFA. Inanunsiyo ng FIFA sa pamamagitan g virtual executive council meeting kung saan 22 sa 35 na boto ang sumang-ayon sa pag-host ng dalawang bansa ng nasabing torneo. Lumakas ang […]
-
Kaya walang naging aberya sa pagsasagawa ng BSKE 2023: Suplay ng kuryente, normal- DOE
NANATILING normal ang suplay ng kuryente habang isinasagawa ang botohan para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), araw ng Lunes, Oktubre 30. Sa naitalang situation report ng Department of Energy (DOE), sinabi ng DOE-led Energy Task Force Election na “all power generation plants are in normal operation,” maliban sa Ilijan plant at SLPGC […]