• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, mas pipiliin ang Sinopharm vaccine

MAS pipiliin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maturukan ng China-based drugmaker Sinopharm’s Covid-19 vaccine.

 

“He (President Duterte) has said that his preference is for Sinopharm,” ayon kay Presidential pokesperson Harry Roque.

 

Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na mas pipiliin niya na maturukan ng bakuna mula sa Chinese vaccine manufacturers.

 

Gayunpaman, hindi siya malalapatan ng Sinovac’s Covid-19 vaccine dahil hindi ito inirerekumenda sa mga senior citizens.

 

Ang Food and Drug Administration (FDA), na nagbigay ng emergency use authorization sa Sinovac vaccine ay nagpahayag na ang nasabing bakuna ay maaari lamang ibigay sa mga clinically healthy individuals sa pagitan ng 18 hanggang 59 taong gulang.

 

Si Pangulong Duterte ay 75 taong gulang na ngayon.

 

Matatandaang may mga close-in security detail si Pangulong Duterte ang binakunahan ng Sinopharm vaccine noong nakaraang taon sa kabila ng kawalan nito ng emergency use authorization mula sa FDA, ang pag-amin ni Presidential Security Group commander Brig. Gen. Jesus Durante III.

 

Ang nasabing bakuna ay sinasabing donasyon lamang.

 

Sinabi ng Pangulo na wala siyang kamalayan na ang kanyang security detail ay nabakunahan na.

 

Nauna rito, mismong si Pangulong Duterte ang nagbunyag sa publiko na naturukan na ng Sinopharm vaccine ng China ang ilang miyembro ng PSG.

 

Nagpalabas naman ng compassionate use license ang FDA para sa 10,000 doses ng Sinopharm vaccine dahil na rin sa kahilingan ng PSG.

 

Ang Sinopharm ay pharmaceutical firm na pinatatakbo ng Chinese government. (Daris Jose)

Other News
  • MARGOT ROBBIE, A FORCE OF DISRUPTION IN “BABYLON”

    TWO-TIME Oscar-nominee Margot Robbie plays Nellie LaRoy, an unknown actress who is trying to get her big break into show business, in Paramount Pictures’ critically acclaimed epic, Babylon. A tale of outsized ambition and outrageous excess, the film traces the rise and fall of multiple characters during an era of unbridled decadence and depravity in early Hollywood.  […]

  • Kiefer pinagmulta, sinuspinde sa B.League

    PINARUSAHAN si Shiga Lakestars guard Kiefer Ravena ng pamunuan ng Japan B.League matapos ang ilang beses na unsportsmanlike fouls sa huling laro ng kanilang tropa sa liga.     Pinatawan ang Pinoy cager ng multa at suspensiyon dahil sa dalawang unsportsmanlike fouls na nagawa nito sa laro ng Shiga kontra sa Kyoto noong Linggo kung […]

  • Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, 2 buwan pa bago ang ‘homecoming’ sa Zamboanga

    Nagpaplano na rin ang Zamboanga City para sa isang makabuluhang homecoming o pag-uwi ng Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz.     Ito’y kahit aabutin pa ng dalawang buwan bago makauwi sa kanyang hometown ang tinaguriang golden girl.     Sa panayam kay Dr. Cecil Atilano, sports coordinator ng Zamboanga City at mentor ni […]