• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, muling ipinagtanggol si Sec. Duque sa mga kritiko nito

MULING ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa mga kritiko nito sabay sabing wala siyang nakikitang mali sa Kalihim.

 

Kaya nga, nananatili ang kumpiyansa ng Pangulo kay Sec. Duque.

 

Giit ng Pangulo, hindi niya maintindihan kung bakit palagi na lang inaaway si Sec. Duque at palabasing ito ay madumi at lumabas naman na malinis ang mga umaaway dito.

 

Kaya ang payo ng Pangulo kay Sec. Duque ay huwag masiraan ng loob sa gitna ng patuloy na kritisismo na ibinabato sa health secretary.

 

Para sa Pangulo, ganoon lang talaga kapag nasa public office na kung saan ay talagang hahanapan ng isyung maaaring maibutas sa isang tinatarget na opisyal.

 

Aniya, sadyang ganyan ang mga kritiko na naghahanap ng topic na maaaring ikapit sa isang opisyal ng gobyerno at mabenta sa publiko gaya ng isyu sa korapsiyon.

 

“Dominguez takes care of the economy. Si Secretary Duque naman, eh palagi nilang inaaway pero tama naman. Pero ganoon siguro ‘yang public office, Secretary. Do not be — ma-ano ka sa — you get discouraged from the brickbats thrown against you.

 

Kaya nga eh sabi ko, all of you there have been painting Duque black because you appear — you want to appear white there. Iyan ang ano… If you want to appear white, then paint your opponent black and then you are always white. Ganoon ‘yan,” ayon sa Pangulo.

 

“So, kindly refrain from just smelling here and there just to find a worthwhile topic which to the people is very important lalo na kung corruption. Pagka sabi corruption, magsabi ng mga… Kasi ang tao it’s bombarded by issues about corruption. It’s not only with dito sa atin, sa inyo rin. Wala man exempted dito sa ano… So nobody is proud of sabihin mo you are an island there, an independent one. You cannot be because we are all part of government,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Pamahalaang Panlalawigan, SMC, pagtutugmain ang mga proyektong pangkaunlaran sa lalawigan

    LUNGSOD NG MALOLOS, BULACAN- Upang talakayin ang mga kasalukuyan at panghinaharap na proyekto sa lalawigan, nakipagpulong si Gobernador Daniel R. Fernando kay San Miguel Corporation (SMC) President at Chief Executive Officer Ramon S. Ang noong Lunes.     Kabilang sa mga paksa na inihain sa hapag ang pagiging accessible ng itinatayong New Manila International Airport […]

  • May bagong bisyo na hindi maiwasan: MARK, naaadik sa pagbibisikleta at dinamay na rin si NICOLE

    MAY bagong hindi maiwasan na bisyo ngayong taon si Mark Herras at dinamay pa niya ang kanyang misis na si Nicole Donesa.      Kapwa sila naaadik sa pagbibisikleta.     Pinost ni Mark at Nicole sa Instagram ang dalawang bagong bisikleta nila.     Caption ni Mark: “2022 new hobby with wifey. Let’s go!!” […]

  • Nag-post ng sweet birthday message: CLAUDINE to GRETCHEN, ‘it was a privilege to be your sister’

    NAG-SHARE si Claudine Barretto sa kanyang IG post ng photos nila ni Gretchen Barretto na nag-celebrate ng birthday few days ago.     Ayon kay Clau, it was a privilege to be Gretchen’s sister.     Sa kanyang sweet message, “To my Ate my advisor, friend & Idol, Happy happy birthday. I thank God first […]