PDu30, muling nanindigan sa posibilidad na pagbabalik ng death penalty
- Published on June 11, 2021
- by @peoplesbalita
MULING nanindigan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa muling pagbuhay ng parusang kamatayan.
Giit ng Pangulo, basta’t karumal-dumal na krimen lalo na’t ginawa ang krimen sa mga inosente sabi ng Pangulo ay dapat pang na maibalik ang capital punishment.
Aniya, hindi naman pinawalang saysay kundi sinuspinde lamang ang death penalty.
“I have always been for the restoration of the death penalty. Wala man — the law was — I think the law was not abrogated, suspended lang. So wala. Sinuspend (suspend) lang ‘yong mga — just ‘yong the act of killing a criminal,” ayon sa Pangulo.
” Ako, basta heinous crime, heinous crime, drugs tapos ‘yong nangyayari ng — sabi mo ‘yong the atrocities committed against so many innocent persons. Iyong bata diyan sa Makati na kinatay, ipinako pa diyan sa kawayan,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Sa kabilang dako, sinabi naman ng Punong Ehekutibo na hanggang ngayoy hindi pa rin daw maintindihan ng human rights ang sitwasyon lalo na ng mga pulis na kailangang depensahan ang kanilang mga sarili laban sa mga kriminal.
“Kaya ako — iyan ang hindi maintindihan ng human rights. Iyan ang hindi maintindihan ng human rights. Sabi nila na ‘wag mong patayin, idemanda mo. Well, kung madala pa. Usually maglaban ‘yan eh. Eh ayaw nila maniwala ‘yan minsan desperate mag-agaw ng baril. Totoo man.
In my — siguro sa pagka-mayor ko, tatlong beses ‘yang inagawan ng baril. Inagawan ng baril, namatay pa ang pulis. Inagawan ng baril, patay ang pulis. Akala nila drama ‘yan eh. Wala ‘yan… I am for the restoration of…,” lahad ng Punong Ehekutibo.
Binigyang diin ng Pangulo na hindi drama lang ang panlalaban at pang- aagaw ng baril ng ilang mga nahuhuling kriminal na nuong alklade pa lamang siya’y tatlo niyang mga pulis ang nalagas dahil sa ganitong mga insidente. (Daris Jose)
-
3 sasakyan inararo ng SUV sa Malabon, 2 patay, 2 sugatan
HINDI bababa sa dalawang katao ang kumpirmadong nasawi habang sugatan naman ang dalawa pa matapos araruhin ng isang Mitsubishi Xpander wagon ang tatlong sasakyan, kabilang ang isang tricycle sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Si Nobelia Esto, 54 ng Gulayan St. Brgy. Catmon, pasahero ng tricycle na minamaneho ni Norberto Pinurla, […]
-
Dahil hindi alam kung saan dadalhin ang trophy: SHARON na nagwaging Best Actress, wanted sa GEMS Awards
WANTED ng GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) si Megastar Sharon Cuneta. Si Sharon kasi ang best actress winner ng GEMS Awards para sa Revirginized, ang unang Vivamax movie ng aktres. Gusto sana nila tanungin si Ate Shawie kung saan nila pwede ihatid ang kanyang trophy. Kaso kababalik […]
-
Ads October 1, 2020