• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga sundalong namatay sa pag-crash ng helicopter sa Bukidnon

NAGPAABOT ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamilya at mahal sa buhay ng mga sundalong namatay matapos mag-crash ang isang helicopter sa Sitio Balonay, Impasugong, Bukidnon kamakalawa.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi na nais sana niyang puntahan ang mga ito sa pag-aakalang nasa iisang kampo lamang subalit nalaman niya na dinala na kaagad sa bawat pamilya ang labi ng mga sundalo kaya’t nagdesisyon siyang huwag nang ituloy ang kanyang byahe.

“I would’ve wanted to go there. I thought yesterday nasa isang kampo lang, ‘yon pala, pinadala na mga labi nila sa mga pamilya nila so I decided to forego the trip but just the same, let me express my deepest condolences sa mga asawa ninyo,” ayon kay Pangulong Duterte.

“I share your grief. Alam ko kung gaano na ang sakripisyo ng sundalo para sa bayan. They died as heroes,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

Sa ulat, pitong katao ang nasawi na kinabibilangan ng tatlong Army servicemen at apat na Air Force personnel matapos mag-crash ang isang helicopter sa Sitio Balonay, Impasugong, Bukidnon.

Isang piloto ng UH-1H Air Force Helicopter ang kabilang sa nasawi pati na ang kanyang co-pilot, 2 crew member at tatlong sundalo matapos umanong magkaroon ng problema ang engine ng kanilang sinasakyan na naging sanhi ng pagbagsak nito.

Galing umano ang helicopter sa Malaybalay at patungo ito sa Impasugong upang magdala ng supplies nang napansin ng mga kasamahan nila mula sa isa pang helicopter na umuusok ang chopper.

Iniiwas pa umano ng piloto na bumagsak ang chopper sa lugar na maraming bahay bago ito tuluyang bumagsak.

Samantala, sinabi ni Pangulong Duterte na pagkakalooban niya ng Order of Lapu-Lapu ang mga sundalo.

Nag-alay pa ang Pangulo kasama sina Senador Bong Go at ilang cabinet members ng isang minutong katahimikan at nagdasal para sa mga sundalong namatay.

“May they rest in peace. My message to their families is you will not be abandoned. Aalalayan ko kayo,” ang pahayag ng Pangulo.  (Daris Jose)

Other News
  • Sanggol itinapon sa basurahan

    Isang bagong silang na lalaking sanggol ang inabandona ng isang hindi kilalang babae sa tambakan ng basura sa gilid ng maliit na kalsada sa brgy. Poblacion, Biñan City kamakalawa ng madaling araw.   Nadiskubre ng basurero ang sanggol na nakakabit pa ang inunan, sa loob ng isang eco bag na iniwan sa basurahan pasado alas-6:00 […]

  • 5.6 milyong doses ng bakuna mula Pfizer, AstraZeneca parating na

    Inihayag kahapon ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na parating na ngayong kalagitnaan ng Pebrero ang tinatayang 5.6 milyong doses ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech at AstraZeneca.     Nakapaloob sa liham mula kay Aurélia Nguyen, managing director of the World Health Organization-led COVAX facility, na […]

  • RYAN GOSLING AND EMILY BLUNT LEAD THE HILARIOUS, HARD-DRIVING, ALL-STAR APEX-ACTION THRILLER “THE FALL GUY”

    HE’S only the stuntman, but he’s stealing the show.   Fresh from his Oscar®-nominated turn as Ken in “Barbie,” Ryan Gosling stars as a stuntman coming out of a brief hiatus and straight into a crazy conspiracy in “The Fall Guy,” a new action thriller with the perfect dose of comedy, irreverence and romance, from director […]