PDu30 nagsabi na walang pilitan sa bakuna
- Published on January 15, 2021
- by @peoplesbalita
MISMONG si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang nagsabi na hindi pinipilit ng pamahalaan ang kahit na sinuman na sumali sa ibibigay na bakuna ng national government.
Sa public address ng Pangulo ay sinabi nito na libre ang bakuna at talagang pinaghandaan ng pamahalaan ang pera.
“Iyong Secretary of Finance — yesterday we had a Cabinet meeting or was it the other day? Sabi ni Sonny Dominguez, we have the money. We have the money and we have the right persons especially si Secretary Galvez. Ako pinili ko siya to be the sole person who would be responsible from the acquisition — from the purchase and up to the distribution. And I have called upon the police and the military to help kasi kung ang mga kababayan natin would opt to have the bakuna, magulo ‘yan. It’s either in health centers or a few police, few soldiers would just be there to supervise ‘yung linya, first come, first served na walang gulo at hindi magwawala ‘yung mga tao,” ayon sa Pangulo.
Kaya nga aniya ang bakuna na bibilhin ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa China ay mahusay o mainam gaya ng ibang bakuna na naimbento ng mga Amerikano o mga Europeans.
“Hindi nagkulang ang Chinese, hindi sila nagkulang sa utak. Bright itong mga Intsik at they would not venture kung hindi sapat, it is not safe, sure, and secure. Iyong tatlo: it must be safe; sigurado, sure; and secure. That is the guarantee,” ani Pangulong Duterte.
“Ako, kung ano ang piliin ni Secretary Galvez would bind me. Parang ako na rin ang bumili ng bakuna. So hindi ako magbili ng bakuna na hindi tama. Itong Sinopharm pati Sinovac nabakunahan na nila lahat halos ang kanilang… Kaya normal na ang buhay nila ngayon. But they are afraid of the new strain. So pag-usapan natin ‘yan later on. So iyan ang ano,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Kung ayaw ng ilang mga mamamayan ng bakunang gawa ng China ay okay lang sa kanya.
“Walang problema. Kung kayong walang pera at gusto ninyo ng bakuna na mas maganda, mas mabisa, wala, tabla lahat ‘yan. Pareho lang ang pinag-aralan nila. The same microbes ang pinag-aralan nila so kanya-kanya ‘yan. It doesn’t mean to say that the Americans or the Europeans, the EU, are better than the Chinese. Ako, kung ano ang piliin ni Secretary Galvez, kung ano ‘yung responsibility niya, responsibility ko rin. Ultimately, actually, sa lahat ng ito, kung may bulilyaso, iyong aming sa gobyernong pinili at nine-negotiate ngayon, kung may bulilyaso, at the end of the day, akin talaga ‘yang responsibilidad,” litaniya ng Pangulo sabay sabing siya na mismo aniya ang naggagarantiya na mahusay ang piniling bakuna nina Sec. Galvez at Health Secretary Francisco Duque III.
“Maniwala kayo. Maniwala kayo,” giit ng Pangulo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Pinas, hindi isusuko ang teritoryo- PBBM
HINDI isusuko ng Pilipinas ang teritoryo nito. Ito ang tiniyak at binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahit pa maliliit ang puwersa ng Pilipinas kumpara sa mga “those encountered in the West Philippine Sea.” Sa kanyang pagsasalita sa Western Command of the Armed Forces of the Philippines sa Palawan, malugod na […]
-
Speaker Romualdez, DSWD, lokal na opisyal namahagi ng P140-M cash aid sa 30K Davaoeños
NAGKAKAHALAGA ng P139.81 milyon ang cash assistance na naipamahagi sa 29,906 benepisyaryo sa Davao City, Davao de Oro at Davao del Norte sa apat na araw na payout ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), isang flagship welfare program ni Pangulong Bongbong Marcos. Ang pamimigay ng ayuda ay pinangunahan ni Speaker […]
-
DBM pangungunahan ngayong araw ang bloodletting drive sa gitna ng pagsirit ng sakit na dengue
PINANGUNAHAN kahapon, araw ng Martes Oktubre 8 ng Department of Budget and Management (DBM) ang Dugtong Buhay Movement isang bloodletting activity sa Naval Station, Ernesto Ogbinar, Poro Point sa San Fernando, La Union. Sinabi ng DBM na layon ng aktibidad na mangolekta ng blood donations mula sa mga volunteers mula sa iba’t ibang ahensiya […]