• April 28, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, nagsagawa ng aerial inspection sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Auring sa Surigao del Sur

NAGSAGAWA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng aerial inspection  sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Auring sa Tandag, Surigao del Sur.

 

“Weather-permitting, the President intends to visit para mabilis din iyong aksyon kapag may nakita siya na mga gaps or kailangan pang gawin over and above what is already being done by government,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

“Based on the briefing and the reports and his visual observation on the ground ay magbibigay naman po ng mga direktiba si Pangulo. Abangan na lang po natin,” dagdag na pahayag ni CabSec Nograles.

 

Base sa situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council “as of Tuesday afternoon”, naapekthan ni bagyong Auring ang mahigit 121,000 indibiduwal sa Region 10, 11 at Caraga.

 

Sa nasabing bilang, 77,811 katao ang dinala sa evacuation centers.

 

Nag-iwan naman ng limang flooding incidents at anim na landslides ang bagyong Auring sa Regions 5,7, 8 at 11.  (Daris Jose)

Other News
  • 16M bakuna, inaasahan ng Pilipinas na darating sa second quarter ng 2021

    INAASAHAN ng gobyerno ng Pillipinas na darating sa second quarter ng 2021 ang 16 milyong bakuna sa bansa.   Sinabi ni Vaccine “czar” Secretary Carlito Galvez Jr. na inaasahan ng pamahalaan ang 7,308,400 vaccine doses ngayong buwan ng May at 9,150,000 doses naman sa buwan ng Hunyo.   “So bago po matapos po ang buwan […]

  • Ads December 29, 2022

  • Tiniyak ng DBM, pag-aaral sa posibleng umento sa sahod ng mga manggagawa sa gobyerno, matatapos sa unang bahagi ng 2024

    TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na matatapos sa unang bahagi ng taon ang “comprehensive study” ukol sa potensiyal na salary adjustment para sa mga manggagawa sa gobyerno.     Sinabi ni Budget Secretary Mina Pangandamanan, layon ng Inisyatiba ang tiyakin ang “competitive at equitable compensation package” para sa mga government workers.   […]