PDu30, nagtalaga ng Crisis Manager sa mga lugar na labis na hinagupit ng bagyong Odette
- Published on December 22, 2021
- by @peoplesbalita
PANGANGASIWAAN ni DSWD Secretary Rolando Bautista ang Crisis Management Group na tututok sa mabilis na paghahatid ng kailangang tulong para sa mga residenteng lubhang tinamaan ng nagdaang bagyong Odette.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, partikular na pinatututukan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Bautista ang Siargao, Dinagat Island at ang Surigao city.
Makakatulong ni Secretary Bautista si NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na kapwa tututok sa agarang paghahatid ng tulong sa mga sinalanta ng kalamidad.
Ani Nograles, nais ng Pangulo na maging paspasan ang pagpapadala ng tulong gaya ng tubig, food at non- food items gayundin ng kailangang tents.
Sinabi pa nito na magkakaroon na rin ng assessment sina Bautista at Jalad para sa posibilidad na pagsasagawa na ng food at cash for work. (Daris Jose)
-
Pag-IBIG, nakapagtala ng record-high P34.73 billion net income noong 2021
NAKAPAGTALA ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ng kanilang “highest-ever net income” noong nakaraang. Nahigitan na nito ang pre-pandemic bottom line figures. “Our strong performance last year led us to reach a net income of P34.73 billion. This is our highest net income ever, surpassing by 9.5% our P31.71 […]
-
Panganay na anak ni LeBron James na si Bronny kinuhang endorser na ng isang sports brand
PUMIRMA ng endorsement deal sa sports apparel na Nike ang panganay na anak ni Los Angeles Lakers star LeBron James na si Bronny. Isa lamang si Bronny sa limang amateur basketball players na pumirma ng endorsement deals. Una naging bahagi si Bronny ng Nike marketing ng pinakabagong sneakers na Nike LeBron […]
-
MRT, LRT balik sa buong kapasidad ngayon Alert Level 1
Inihayag ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT1) na balik na sa buong kapasidad ang dalawang nasabing rail lines ngayon nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila. “Trains of the MRT 3 can carry a total of 1,182 passengers per set, consisting […]