PDu30, nais na bilisan ang rehab efforts sa Marawi City
- Published on October 22, 2020
- by @peoplesbalita
NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bilisan ang rehabilitation efforts sa Marawi City.
Tinatayang may tatlong taon na kasi ang nakalilipas mula ng makalaya ito mula sa local terror group.
“Let’s just say we are satisfied but the President, of course, would appreciate it if it can be hastened,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque nang tanungin hinggil sa kanyang pagtataya sa ginagawang rehabilitasyon ngayon sa Marawi City.
Sa ulat, hindi pa rin tapos ang pagsasaayos ng Marawi City tatlong taon mula nang Marawi siege, ang 5-buwang bakbakan sa pagitan ng teroristang Maute group at mga sundalo kung saan nawasak ang karamihan ng imprastruktura at kabahayan doon.
Taong 2017, nilusob ng Maute group ang Marawi City, nagtulak kay Pangulong Rodrigo Duterte para ilagay sa ilalim ng martial law ang buong Mindanao.
Umabot ng limang buwan ang bakbakan bago tuluyang nabawi ang lungsod noong Oktubre 17, 2017.
Higit 1,000 ang namatay, karamihan mga terorista. (Daris Jose)
-
Pacquiao posibleng bumalik sa boxing – Buboy Fernandez
HINDI ikinaila ni Buboy Fernandez ang posibilidad sa pagbabalik boxing ni Manny Pacquiao. Nakatakda kasi ng magkaroon ng exhibition fight si Pacquiao laban kay South Korean YouTuber DK Yoo sa Disyembre. Ayon sa personal trainer at kaibigan ng dating senador na si Fernandez na ang exhibition fight ng boxing champion ay […]
-
Ads March 6, 2021
-
KIM, naghihintay pa rin ng sagot sa tanong niya sa basher na nanglait kay JERALD
SA ginanap na Zoom presscon kamakailan para sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam na unang pagtatambalan ng real-life sweetheart na sina Kim Molina at Jerald Napoles, natanong namin ang dalawa na pag sobra-sobra na kabastusan ng bashers, wish ba nila na mawala na lang pakiramdam para ‘di na patulan? “Yes, diretsa ang sagot ko,” […]